Mga ka-MCOs, nagpalit ang ating Operation & Maintenance Team ng Area II Office noong 05 July 2023 (Miyerkules) ng isang poste sa Barangay Malasugui sa bayan ng Labo. Nagsagawa rin sila ng troubleshooting sa mga linya ng kuryente.
Alam mo baka MCO, 24/7 ang trabaho ng ating mga linemen upang masigurong may kuryente sa ating mga tahanan at negosyo. Hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon upang makapaghatid serbisyo para sa ating mga Member-Consumer-Owners!
Nagpapasalamat naman kami sa inyong suporta at unawa kapag nagsasagawa ng maintenance works sa inyong lugar. Salamat ka-MCO!

