Ka-MCO! Narito ang iba’t ibang mga naging aktibidad ng Operation & Maintenance Team ng Area I Office noong 15 July 2023 (Sabado) sa iba’t ibang mga lugar sa mga bayan ng Daet, Mercedes, Talisay, at Vinzons.
Nagsagawa sila ng pagsasaayos ng mga service drops, pagdadala ng mga poste, at iba pang maintenance works upang mapanatiling may maayos na suplay ng kuryente sa mga nasabing lugar!
Ka-MCO, salamat sa patuloy ninyong suporta sa ating Kooperatiba! Patuloy naming pagbubutihin ang serbisyo para sa inyo.


