COOP Activities

Sitio Electrification Program Pre Membership Seminar – Brgy. Pambuhan, Mercedes

TINGNAN. Ang Pre-Membership Seminar (P.M.S.) na ginanap kaninang hapon, December 06, sa Barangay Pambuhan sa bayan ng Mercedes kasama si Kagawad Rex Gutierrez (Barangay Pambuhan MCO Chairman/Mercedes Municipal MCO Vice Chairman).
Halos magtatatlong taon mula noong huling nagkaroon ng face-to-face na Pre-Membership Seminar (P.M.S.) ang ating Kooperatiba nang dahil sa pandemiya. Idinaan muna natin sa isang online platform ang ating mga P.M.S. noong mga panahong ito para sa kaligtasan ng lahat.
Ngunit, dahil sa pagluwag ng mga restriksyon at pagdami ng mga nabakunahan kontra COVID19, muli po tayong nakapagsagawa ng face-to-face Pre-Membership Seminar ngayong araw.
Abangan ang aming anunsyo sa mga susunod na lugar na ating dadayuhin. Maraming salamat po sa ating mga MCOs sa inyong patuloy na suporta!