COOP Activities

CANORECO District Election | VINZONS

Ilang larawan sa naganap na orientation nitong ika-18 ng Hulyo 2025 para sa mga guro ng DepEd na magsisilbi sa CANORECO District Election sa bayan ng VINZONS sa Sabado, 26 July 2025.

Nagpapasalamat tayo kay PSDS (Vinzons District) Emelda Acuesta, na siyang tatayong DECOM Chairman, kasama si Ms. Cleah R. Jane (Teacher 3, Vinzons Pilot Elementary School) na siya namang DECOM Secretary. Nagpapasalamat rin tayo sa ating MCO Municipal Chairman ng Vinzons na si Ms. Ma. Theresa Oco at ang MCO Municipal Vice Chairman ng parehong bayan na si Ms. Avelina Chuajap. Syempre pasasalamat rin sa lahat ng mga guro at MCO officers sa bayan ng Vinzons.

Ang mga presinto ay magbubukas ng 8:00 ng umaga at magsasara ng 3:00 ng hapon. Inaaniyayahan ang mga MCO na makiisa at bumoto sa kani-kanilang assigned na presinto.