CANORECO Balita

CANORECO at District MCO Organization Officers, Nagpulong Ukol sa Electric Cooperative Operations

Pinulong ng CANORECO ang District (Municipal) MCO Organization (DMCOO) Officers nito noong November 25, 2022 sa CANORECO Daet Area Office upang talakayin ang ilan sa mga paksang kailangang malaman at maipamahagi ng mga MCO Officers ukol sa kooperatiba.

 

Dumalo ang nasa 30 na DMCOO Officers ng kooperatiba sa nasabing pagpupulong na may temang Seminar for MCOs about EC Operations. Sila ang mga MCO Chairman, Vice Chairman, Secretary at Treasurer ng bawat distrito o munisipalidad na nasasakop ng CANORECO.

 

Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng mga mensahe mula kina CANORECO Board President Director Marcial Ferrer at General Manager Zandro Gestiada. Sinundan ang mga ito ng pagtalakay ni Institutional Services Manager Mary Ann Moreno ng EC By-Laws, Policies at Programs, CSR Programs at Activities, at New Connection Procedure; Finance Office-In-Charge Reina Liz Adem ng Meter Reading, Billing, Disconnection at Magna Carta para sa Residential Consumers; Planning and Design Engineer (Engr.) Christopher Allan Augusto ng Energy Efficiency at Conservation; at Energy Trading Officer-In-Charge Roda Sillar, CPA at Regulatory Compliance and Business Planning Chief Engr. Niña Aquino ng Power Rates. Winakasan ang pagpupulong ni MCO Federation Vice Chairman at MCO Municipal Chairman for Basud District na si Mr. Ramon Barrameda.

 

Inaasahan na sa pamamagitan nito ay nalinawan ang mga kalahok sa pagpupulong ukol sa mga by-laws, polisiya at programa ng CANORECO at iba pang electric cooperative; sa pamamaraan kung paano mag-apply sa pagpapakabit ng kuntador at iba pa; kung paano mag-reading at mag-billing ng konsumo sa kuryente; mga panuntunan sa disconnection ayon sa Magna Carta for Residential Consumers; sa mga pamamaraan kung paano makakatipid sa paggamit ng kuryente; at kung bakit nga ba tumaas ang singil sa kuryente, hindi lang sa CANORECO, kundi pati na rin sa iba pang electric cooperatives sa buong bansa. Inaasahan din na maipamamahagi ng mga MCO Officers ang mga nabanggit nang makatulong sa kanilang mga komunidad.

 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph