CANORECO Balita

CEREMONIAL ENERGIZATION NG BRGY. TIGBINAN, LABO IDINAOS

Isinagawa ang Energization ng P-3 (Sitio Dogoan), P-5 (Urban Poor) at Sitio Dagooc hanggang Sitio Napandong ng Brgy. Tigbinan, Labo noong Pebrero 3, 2020 (Lunes). Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) sa ilalim ng kanilang Sitio Electrification Program (SEP) partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Animnapu’t anim (66) na kabahayan ang nabiyayaan ng nasabing proyekto. Ang bawat isang beneficiary ay nabigyan ng libreng tatlumpung metros na service drop, isang saksakan, dalawang ilaw/bombilya at kuntador.

Ginanap ang nasabing okasyon sa Brgy. Tigbinan covered court at dinaluhan ang nasabing okasyon ninaLabo District Director Nicanor B. Neri, mga opisyales ng Barangay Tigbinan sa pangunguna ni Kapitana Liezel Flores at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni Gng. Melissa S. Abogado, Membership Education & Information Head.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.