CANORECO Balita

CEREMONIAL ENERGIZATION NG BRGY. SAN ANTONIO, LABO IDINAOS

Isinagawa ang Energization ng P-4, San Antonio, Labo noong Pebrero 6, 2020 (Huwebes). Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) sa ilalim ng kanilang Sitio Electrification Program (SEP) partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Labing pito(17) na kabahayan ang nabiyayaan ng nasabing proyekto. Ang bawat isang beneficiary ay nabigyan ng libreng tatlumpung metros na service drop, isang saksakan, dalawang ilaw o bombilya at kuntador.

Ginanap ang nasabing okasyon sa Brgy. San Antonio covered court na dinaluhan nina Labo District Director Nicanor Neri, mga opisyales ng Barangay San Antonio pangunguna ni Kapitana Thelma Villafranca at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni G. Manuelito Bartolome, Area 2 Engineering Division Chief.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.