CANORECO Balita

MANUAL LOAD DROPPING MAAARING MARANASAN NGAYONG TAG-INIT

Nag-abiso ng maaga ang Department of Energy o DOE sa maaring mangyaring kakulangan ng supply ng kuryente sanhi ng maintenance shutdown ng ilang Independent Power Producer katulad ng Sual, Calaca,Limay at Pagbilao ngayong darating na tag-init. Magkakaroon ng pagbawas ng 30 – 40 % sa supply ng kuryente sa buong Luzon Grid.

Makakaranas ng Manual Load Dropping (MLD) o pagbabawas ng load sanhi ng manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid. Dahil dito, makakaranas ng rotational blackout ang ilang mga lugar sa Luzon. Ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nag aabiso sa mga Distribution Utilities o DU kung kelan at anong oras mawawalan ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar at pinapanatiling tama ang alokasyon ng supply sa lahat ng DU’s katulad ng CANORECO.

Inaasahan din ang pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM at Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI dahil sa kakulangan ng supply.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.