CANORECO Balita

𝐏𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄 𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟓-𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟑

Noong November 15, 2023 (Miyerkules) sa oras na 8:57 ng gabi ay nag-trip ang CANORECO Talobatib Substation (SS) Main Feeder na nagsusuplay ng kuryente sa karamihan ng barangay sa bayan ng Labo, at ilang barangay sa mga bayan ng Vinzons, Paracale at Jose Panganiban. Nagkaroon ng suplay ng kuryente sa Talobatib SS Feeder 1 sa oras na 9:02 ng gabi. Samantala, muli namang nag-trip ang Talobatib SS Feeder 2 sa parehong oras.
Nakaranas ng Emergency Power Service Interruption ang Brgys. Masalong, Dalas, Bagacay, Bakiad, Bulhao, Cabusay, Fundado, Gumamela, Kalamunding, Pinya, San Francisco, Sta. Cruz, Anahaw, Bautista, Iberica, Guinacutan, Malasugui, Mabilo, San Antonio, Lugui, Tulay na Lupa, Baay, Napaod, Matanlang, Bayan-bayan at Benit sa LABO; Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Labnig, Mampungo, Mangkasay at Tabas sa PARACALE; Brgys. Aguit-it, Manlucugan, Matango at bahagi ng Singi sa VINZONS ng Feeder 2 mula 9:02 ng gabi ay dahil sa natumbang puno ng niyog na tumama sa primary line sa may bahagi ng P-4, Brgy. Masalong, Labo.
Sa oras na 9:55 ng gabi ay nag-trip muli ang Feeder 1 kung kaya’t nakaranas din ng Emergency Power Service Interruption hanggang 10:13 ng gabi ang Brgys. Calabasa, Pangpang, Maot, Pag-asa, Malangcao-basud, Daguit, Macogon, Exciban, Dumagmang, Bagong Silang 1, 2, 3 at bahagi ng Talobatib sa LABO; Brgys. San Martin at Tamisan sa JOSE PANGANIBAN; at Bayan ng CAPALONGA maliban sa Villa Aurora, Villa Belen at San Antonio.
Bandang 11:09 naman ng gabi nang mag-trip naman ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) 69kV Labo-Talisay Lines na sya namang nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa buong lalawigan na ng Camarines Norte maliban sa ilang barangay ng Paracale at Jose Panganiban. Ito naman ay dulot ng natumbang puno ng niyog na tumama sa NGCP 69kV Lines sa Sitio Potot, Brgy. Daguit, Labo.
Nagsimulang maibalik ang suplay ng kuryente sa NGCP 69kV Labo-Talisay Lines sa oras na 11:50 ng gabi, sa Talobatib SS Feeder 1 at 2 ng 12:00 ng hatinggabi, at sa Calintaan Feeders 1, 2 at 3 ng 12:01 ng madaling araw. Muling nag-trip ang huli ng 12:14 ng madaling araw na naibalik din ng 12:16 ng madaling araw.
Mula 3:14 hanggang 3:16 ng madaling araw ay nagkaroon naman ng Momentary Power Service Interruption sa NGCP 69kV Labo-Talisay Lines upang isara ang disconnecting switch ng Talobatib-Malatap Substransmission Line. Naibalik ang suplay ng kuryente sa Lag-on SS ng 3:16, sa Calintaan SS at sa Talobatib SS ng 3:17, at sa Malatap SS ng 3:20 ng madaling araw.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph