Ito ay isang discount/subsidy na binibigyang bisa ng Republic Act No. 11552 – An Act Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose Section 73 of RA No. 9136, Otherwise Known as the “Electric Power Industry Reform Act of 2001,” As Amended by RA No. 10150; at ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Joint Resolution No. 01, Series of 2022 – A Joint Resolution for Implementing RA No. 11552.
Layon nito na matulungan ang mga konsumidor ng kuryente lalo na yung mga namumuhay sa ilalim ng poverty threshold ng Philippine Statistics Authority (PSA).
1. Ang Lifeline Rate ay ang “subsidized rate given to qualified marginalized end-users defined under the Act, as part of the socialized pricing mechanism that provides for percentage discount, subject to the guidelines set by the ERC.”
2. Ang Lifeline Consumption Threshold ay ang “level of kilowatt hour consumption of qualified marginalized end-users that is subject to lifeline rate set by the ERC based on the official poverty threshold set by the PSA.”
3. Ang Lifeline Subsidy Rate ay ang “rate charged to non-lifeline customers to cover for the lifeline discount provided to marginalized/low income captive market end-users.”
PAGTATAYA NG BAGONG LIFELINE RATE
Ang Lifeline Rate, Consumption Threshold at Subsidy Rate na ipapataw ng bawat Distribution Utility (DU) /Electric Cooperative (EC) ay nanggagaling sa ERC.
Ang DU/EC ay patuloy na magpapatupad ng kasalukuyang aprubadong Lifeline Rate, Lifeline Subsidy Rate at Lifeline Consumption Threshold hanggang sa mag-apruba ang ERC ng bagong Lifeline Rate, Lifeline Subsidy Rate at Lifeline Consumption Threshold.
MGA KINAKAILANGAN PARA SA PAGBIBIGAY NG LIFELINE RATE SA MARGINALIZED END-USER
Kwalipikadong Marginalized End-User
Ang mga end-user na kabilang sa alinman sa mga sumusunod, na papailalim sa mga kundisyon at pamantayan ng Republic Act (RA) at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, ay maaaring maging kwalipikadong mag-avail ng Lifeline Rate Discount:
1. Kwalipikadong household-beneficiary sa ilalim ng RA No. 11310 na kilala bilang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o “4Ps” na papailalim sa ilang mga kundisyon na ibinigay ng Section 73 ng RA No. 9136, na sinusugan ng Section 1 ng RA No. 11552; o
2. Isang marginalized end-user, na namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinatag ng PSA at nagtataglay ng mga kwalipikasyon at wala sa mga diskwalipikasyon sa ilalim ng RA at ng IRR nito.
Ang mga consumer na na-certify at napatunayang kwalipikado ay ituturing na mga kwalipikadong marginalized end-user para sa pag-avail ng mga lifeline benefit sa ilalim ng batas na ito.
Pagpaparehistro ng Electric Service para sa Availment ng Lifeline Rate
Ang isang kwalipikadong marginalized end-user ay maaaring mag-avail ng Lifeline Rate para lamang sa isang electric service account. Sa kaso ng paglilipat o pagbabago ng tirahan, ang mga sumusunod ay dapat sundin:
1. Kung saan ang bagong tirahan ay pinaglilingkuran ng parehong DU/EC – ang pagbibigay ng Lifeline Rate sa kwalipikadong marginalized end-user ay mananatili, ngunit dapat na i-un-tag sa lumang tirahan at ilipat sa bagong address sa pagsumite ng bagong sertipiko; o
2. Kung saan ang bagong tirahan ay pinaglilingkuran ng ibang DU/EC – ang pagbibigay ng Lifeline Rate ay dapat kanselahin ng DU/EC na orihinal na naglilingkod sa nasabing tirahan, at ang Lifeline Rate ay dapat ibigay ng bagong DU/EC sa nasabing marginalized end-user sa pagsusumite ng bagong sertipiko.
Ang DU/EC ay maglalabas ng sertipikasyon na pabor sa kwalipikadong marginalized na end-user na nagpapatunay na tinanggal nito ang pagkaka-tag o kinansela ang pagbibigay ng Lifeline Rate sa tirahan na nakasaad sa DSWD/SWDO certification ng kwalipikadong marginalized end-user.
Pagpaparehistro ng Electric Service para sa Availment ng Lifeline Rate ng mga End-User na Hindi Rehistradong May-ari ng Electric Service Account
Bilang pangkalahatang tuntunin, ang electric service account sa DU/EC ay dapat na nakarehistro sa pangalan ng taong nag-aaplay bilang isang kwalipikadong marginalized na consumer. Gayunpaman, ito ay maaaring iwaksi sa ilalim ng alinman sa mga sumusunod na pangyayari:
1. Ang aplikanteng marginalized end-user ay kapamilya o miyembro ng sambahayan na naninirahan sa sambahayan na sakop ng serbisyo ng kuryente;
2. Sa mga kaso kung saan ang tirahan na sineserbisyuhan ng DU/EC ay pinauupahan sa aplikanteng marginalized end-user at ang electric service account ay nakapangalan sa lessor o sa dating lessee; o
3. Sa mga kaso kung saan ang tirahan na sineserbisyuhan ng DU/EC ay pinauupahan sa isang benepisyaryo ng 4Ps Act o sa sinumang miyembro ng sambahayan ng benepisyaryo ng 4Ps.
Sa kondisyon na, maaari silang magpakita ng katibayan na sila ay aktwal na nagmamay-ari at naninirahan sa nasabing tirahan na sineserbisyuhan ng DU/EC. Anumang patunay ng paninirahan, tulad ng government-issued ID o Barangay Certificate, ay dapat isumite ng aplikanteng marginalized end-user. Sa mga kaso ng pangungupahan, ang patunay ng paninirahan ay maaaring ang kontrata ng pag-upa.
Paghahain ng Aplikasyon sa Pamamagitan ng Kinatawan
Kung ang aplikante ay hindi maaaring personal na maghain ng aplikasyon dahil sa mga makatwirang dahilan, ang nasabing aplikasyon ay maaaring ihain ng kanyang Authorized Representative sa kondisyong magsusumite ito ng isang pirmadong Letter of Authority kasama ang isang valid na government-issued id (na may pirma) ng Authorized Representative at ng aplikante at sa kondisyon pa na ang mga dahilan sa kawalan ng kakayahan ng aplikante na personal na maghain ng aplikasyon ay dapat banggitin sa liham, tulad ng, ngunit hindi limitado sa mga kadahilanang pangkalusugan o katandaan, bukod sa iba pa.
Mga Dokumentong Isusumite sa DU/EC
1. Sinumang konsumidor na benepisyaryo ng 4Ps at mag-aaplay para mapagkalooban ng Lifeline Rate ay dapat magsumite, pisikal o elektroniko, ng mga sumusunod:
a. Application Form;
b. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount; at
c. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor.
2. Para sa iba pang mga aplikanteng marginalized end-user na hindi mga benepisyaryo ng 4Ps, ngunit ang kita ng pamilya ay mas mababa sa naaangkop na poverty threshold, dapat magsumite, pisikal o elektroniko, ng mga sumusunod na dokumento sa kooperatiba:
a. Isang sertipikasyon mula sa lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na inisyu sa loob ng anim na buwan bago ang paghahain ng aplikasyon, na nagpapakita na ang kita ng kanyang pamilya ay mas mababa sa poverty threshold ng PSA na naaangkop sa oras ng kanyang aplikasyon;
b. Application Form;
c. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount; at
d. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor.
3. Para sa mga kwalipikadong marginalized end-user, maliban sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na mag-aaplay para sa pag-renew ng Lifeline Rate, dapat nilang isumite sa pisikal o elektronikong paraan ang mga sumusunod na dokumento:
a. Isang sertipikasyon mula sa lokal na SWDO na ibinigay sa loob ng anim na buwan bago ang aplikasyon para sa pag-renew;
b. Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount;
c. Anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor; at
d. Ang nakaraang sertipikasyon ng Lifeline Coverage na inisyu ng kooperatiba.
Ang sertipikasyon na ibibigay ng lokal na SWDO ay magsisilbi lamang bilang isang suporta sa aplikasyon. Ang mga DU/EC, sa pagsusuri ng mga aplikasyon, ay magpapatunay sa mga kwalipikasyon ng mga aplikante batay sa pamantayang itinakda ng ERC, at sa mga listahan ng 4Ps na inendorso sa kanila ng ERC.
Mga Diskwalipikasyon Mula sa Pagbibigay ng Lifeline Rate
Ang mga sumusunod ay hindi kwalipikadong mag-avail ng Lifeline Rate:
1. Mga marginalized end-user na:
a. naninirahan sa mga condominium o subdivision maliban sa mga nakatira sa mga condominium at subdivision na nasa ilalim ng mga programa o proyekto ng pamahalaan na sertipikado ng LGU o mga kinauukulang awtoridad; at
b. nag-avail ng mga serbisyo ng net metering, na papailalim sa Section 15 ng Amended Rules Enabling the Net Metering Program for Renewable Energy, maliban sa mga marginalized end-user na itinuturing nang kwalipikado sa ilalim ng Section 15 ng Net Metering Rules, at sa mga pamantayan, mga kinakailangan, at mga kwalipikasyong ibinigay sa IRR;
2. Ang mga hindi kwalipikado sa alinman sa mga kategorya sa ilalim ng Rule 1 Section 1 ng IRR, ngunit ang antas ng pagkonsumo ay bumaba sa o mas mababa sa Consumption Threshold na tinukoy at inaprubahan ng ERC; at
3. Ang mga napatunayang lumalabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994 ay dapat madiskuwalipika sa pag-avail ng Lifeline Rate. Dahil dito, kailangang agad na bawiin ng DU/EC ang Certification of Lifeline Coverage na ibinigay sa end-user matapos mapatunayang ang end-user ay nahatulan ng paglabag sa Republic Act No. 7832. Maliban pa rito, ang isang end-user na napatunayang lumalabag sa Republic Act No. 7832 ay hindi na papayagang maka-avail ng lifeline subsidy.
SERTIPIKASYON NG DSWD/SWDO
Pagpapalabas ng Sertipikadong Listahan ng mga Benepisyaryo ng 4Ps ng DSWD
Ang DSWD ay maglalabas ng isang Certified List of 4Ps Beneficiaries taon-taon at magbibigay ng kopya sa DOE at sa ERC. Ang Certified List na ito ay magiging batayan sa pagtukoy ng mga aplikante na maaaring maging kuwalipikadong mag-avail ng Lifeline Rate. Dapat ipaalam sa ERC ang anumang pagbabago sa address ng isang benepisyaryo ng 4Ps. Ang nauugnay na DU/EC naman ay dapat na paalaman ng ERC ng naturang impormasyon.
Pagpapalabas ng Sertipikasyon na Pabor sa Marginalized na End-User
Sa kahilingan ng isang marginalized end-user, ang lokal na SWDO ay maglalabas ng isang sertipikasyon na pabor sa isang miyembro ng sambahayan na ang kita ng pamilya ay mas mababa sa opisyal na poverty threshold. Ang nasabing sertipikasyon ay dapat ding magpahiwatig ng pangalan at tirahan ng miyembro ng sambahayan.
Ang bisa ng sertipikasyon sa ilalim ng probisyong ito ay dapat sa loob lamang ng tatlong (3) taon. Ang naturang impormasyon na nakapaloob sa naturang sertipikasyon ay sasailalim sa pagpapatunay gaya ng ibinigay sa ilalim ng batas at ng IRR.
Ang sertipikasyon ay dapat ding magsama ng isang sugnay na nagsasabing ang sertipikadong indibidwal ay dapat mag-ulat sa DSWD kung sakaling lumipat ng tirahan.
Sa mga kaso ng paglilipat ng tirahan, ang lokal na SWDO ay muling maglalabas ng sertipikasyon na pabor sa sertipikadong indibidwal na nagsasaad ng bagong address sa pagsumite ng sertipikasyon ng un-tagging na inisyu ng DU/EC na binanggit sa Rule 6, Section 2. Ang bisa ng muling inilabas na sertipikasyon ay ang natitirang panahon sa orihinal na sertipikasyon.
PAG-AVAIL NG LIFELINE RATE
Availment ng Lifeline Rate
Ang lifeline rate ay isang non-cash monetary discount na ilalapat ng DU/EC sa buwanang singil sa kuryente ng mga kwalipikadong marginalized na end-user.
Validity ng Grant ng Lifeline Rate
Ang lifeline rate na ibibigay sa mga kwalipikadong marginalized end-users na mga benepisyaryo ng 4Ps ay may bisa sa loob lamang ng panahong ipahihiwatig sa Certified List na ilalabas ng DSWD, maliban kung matapos ng muling pagsusuri ng DSWD, ay na-delist ang nasabing benepisyaryo nang mas maaga kaysa sa orihinal na panahon.
Sa mga kaso kung saan ang marginalized end-user ay na-delist ng DSWD mula sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps, ihihinto ng kooperatiba ang pagbibigay ng lifeline rate nang hindi lalampas sa dalawang billing cycle mula noong natanggap nito ang listahan ng mga na-delist na benepisyaryo ng 4Ps. Sa ganitong pagkakataon, ipapaalam ng kooperatiba sa end-user ang kanyang pag-delist batay sa pinakahuling listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps na natanggap mula sa DSWD.
Sa kabilang banda, ang lifeline rate na ipagkakaloob sa isang kwalipikadong marginalized end-user na hindi isang benepisyaryo ng 4Ps ay may bisa sa loob ng tatlong taon mula sa pag-isyu ng sertipikasyon ng lokal na SWDO, gaya ng binanggit sa ilalim ng Section 4 ng IRR ng batas na ito. Gayunpaman, ang kooperatiba ay maaaring magsagawa anumang oras ng pagpapatunay upang matiyak na ang nasabing kwalipikadong marginalized end-user ay karapat-dapat pa rin para sa pagbibigay ng Lifeline Rate.
Pag-renew ng Aplikasyon para sa Lifeline Rate
Ang mga kwalipikadong marginalized end-user sa ilalim ng Rule 6, Section 1 (b), ay maaaring mag-apply para sa renewal dalawang (2) buwan bago mag-expire ang kanilang Certification of Lifeline Coverage, kung ang marginalized end-user ay nagsumite ng pinakabagong mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng Rule 6, Section 5 (c). Sa kondisyon pa na ang DU/EC ay magpapatunay na ang aplikante ay patuloy na kwalipikado sa ilalim ng mga pamantayang itinatag sa ilalim ng IRR at mga tuntunin ng ERC.
Ang lifeline rate na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay may bisa lamang sa panahon na nakasaad sa Certified List na isinumite ng DSWD, at hindi dapat sumailalim sa renewal. Gayunpaman, ang nasabing benepisyaryo ng 4Ps ay maaaring muling uriin bilang isang marginalized na end-user sa ilalim ng Rule 6, Section 1 (b) sa pagsumite ng mga kinakailangan sa ilalim ng Rule 6, Section 5 (c).
Sa pagtutulungan ng DOE, ERC at DSWD, tinitiyak ng ating pamahalaan na patas ang implementasyon ng nasabing batas at ang mga karapat-dapat na benepisyaryo lamang ang bibigyan ng discount. Tututukan nila ang Marginalized Sector habang sinisigurado na napakaliit lamang ang magiging epekto nito sa Subsidizing Sector na mga non-lifeline electricity consumers.
Inaasahan na ang pagpapatuloy ng nasabing discount hanggang 2051 ay makatutulong sa kabuhayan ng mga nasa Marginalized Sector sa pag-asang sa pagtatapos ng nasabing taon ay kaunti na lamang ang Marginalized Consumers at maliit na lamang ang pangangailangan sa naturang discount.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph