Muling nililinaw ng pamunuan ng CANORECO na walang surcharge at penalty ang billing ng Marso at Abril 2020. Ito ay base na rin sa direktibang ibinigay ng Energy Regulatory Commission (ERC) nang isailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 15, 2020 hanggang Abril 30, 2020.
Samantala, maaari namang bayaran ng mga miyembro-konsumidores ang mga billing month ng Marso at Abril 2020 ng βstaggered payment up to four equal installmentsβ. Magpunta lamang sa mga Area Office o Service Center ng CANORECO para maka-avail ng nasabing programa.
Ipinapaalam din na ang billing month ng Mayo 2020 ay mayroon nang due date. Kung kayaβt maaaring unahing bayaran ang bill ng Mayo 2020. Kapag hindi nakapagbayad sa nakasaad na due date sa billing statement ay magkakaroon na ito ng surcharge o penalty.
Gayundin, nililinaw ng pamunuan ng CANORECO na kung sakaling nagkapareho ang due date ng mga bill sa mga buwan ng Abril at Mayo, ito ay sa kadahilanang may inilabas na kautusan ang ERC na nagsasabing walang penalty ang mga bill sa mga buwan na sakop ng ECQ. Kung kayaβt ini-adjust ang due date ng bill ng Abril na nagkataon namang kapareho ng due date ng bill ng buwan ng Mayo.
Gayunpaman, nais bigyang-diin ng CANORECO na ang mga bill sa mga buwan ng Marso at Abril ay walang penalty.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Finance Services Department (FSD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

