Ang naranasang emergency power service interruption sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban noong June 13, 2020 simulang 8:14 ng gabi ay dahil sa naputol na overhead guy wires ng 69kV line sa Brgy. Maybato, Paracale.
Nang makapag-restore ng power sa oras na 11:28 ng gabi, nagkaroon naman ng mga ulat na undervoltage sa mga substation sa Tawig at Sta. Rosa kaya naman nagkaroon ng emergency power off bandang 12:44 ng madaling araw.
Bandang 4:00 naman ng madaling araw nang matagpuan ang putol na jumper sa Sierra Bros, Brgy. Talobatib, Labo.
Naibalik ang serbisyo ng kuryente sa Labo-Paracale 69kV line sa oras na 5:27 ng umaga samantalang napailawan naman ang mga kabahayan bandang 7:16 ng umaga.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.


