CANORECO Balita

CANORECO, Nakiisa sa Pagdiriwang ng National Women’s Month 2025

Nakiisa ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) sa taunang pagdiriwang ng National Women’s Month sa bansa tuwing Marso.

Sumabay sa kick-off ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PhilRECA, Inc.) para sa nasabing pagdiriwang ang mga kababaihan ng Kooperatiba sa pamamagitan ng pag-attend sa virtual event na pinamagatang “Celebrating Women’s Month 2025: Tribute to Lady Warriors of Light” na may tema na, “Marilag na Mandirigma ng Liwanag: Maagap, Matatag, may Paninindigan” noong March 7, 2025.

Nagdaos naman ang Kooperatiba noong ika-14 ng Marso 2025 ng sariling programa para sa mga Lady Warriors of Light kung saan naging panauhing pandangal ang kasalukuyang CANORECO-MCO Federation Chairman na si Kgd. Cristina Grace D. Malate. Nagbahagi rin ng mensahe si CANORECO General Manager Zandro R. Gestiada, Institutional Services Department Manager Mary Ann A. Moreno, Finance Services Department Manager Reina Liz U. Adem, at Internal Audit Department Manager Roda B. Sillar.

Nagtapos ang programa sa pamamahagi ng tokens at flowers sa mga babaeng kawani ng kooperatiba. Gayundin ang picture-taking sa bawat departamento. Nakiisa rin ang mga Lady Warrior of Light sa pagdaraos ng Purple Wednesday kung saan sila ay nagsusuot ng Purple Shirt tuwing Miyerules bilang pagpapakita ng suporta sa aktibidad at sa lahat ng mga kababaihan sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, tatlo sa bawat sampung empleyado o 25.91% ng kooperatiba ay babae. Sa kabuuan, 50 ang babaeng kawani ng kooperatiba kung saan 18 sa kanila ay supervisors habang 32 naman ay associates. Apat sa siyam na managers ng Kooperatiba ay babae.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph