CANORECO Balita

NEA-EC-MCO SOLIDARITY DANCE NG CANORECO MAPAPANOOD SA NEA FACEBOOK ACCOUNT

Sa Agosto 2019 ay ipagdiriwang ng National Electrification Administration o NEAΒ  ang kanilang ika – limampung taong anibersaryo na may temang β€œNEA@ 50: One with ECs and MCOs for Sustainable Rural Development”.

Kaugnay nito, isa sa mga programa ng NEA para sa kanilang anibersaryo ay ang Video Presentation ng bawat Electric Cooperative o EC upang palakasin at maitaguyod ang kamalayan ng bawat mamamayan sa nakamit at pamana ng Rural Electrification Program sa pamamagitan ng matatag na pagtutulungan ng NEA, Electric Cooperative o ECs at pinalakas na pakikilahok ng mga Member Consumer Owners o MCO.

Ang CANORECO ay nagpadala ng Video Presentation sa NEA at nai-upload ito noong Nobyembre 9, 2018 ( Biyernes) sa kanilang Facebook account. Hinihikayat naman ang lahat na i-like at i-share ang nasabing official Solidarity dance ng CANORECO at gamitin ang hashtags: #NEAGoing50, #SolidarityDance, #UnitedInService at #50YearsofRuralElectrification.Β 

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.