CANORECO Balita

LOAD DROPPING ISASAGAWA SA ILANG LUGAR NG CAMARINES NORTE

Magsasagawa ang CANORECO ng load dropping o pansamantalang pagbawas ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Camarines Norte anumang oras simula ngayon tuwing peak hour o simulang 6:00 PM hanggang 9:00 PM kapag dumating sa critical level ang load ng Lag-on at Calintaan substations. Ang load dropping ay isinasagawa kapag mataas ang demand ng suplay ng kuryente kumpara sa kapasidad ng substation.         

Oktubre 19, 2018 nang isagawa ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang kanilang taunang inspeksyon sa mga substation na kanilang pagmamay ari at idineklara nilang  “beyond repair” at inirekomenda ang madaliang pagpalit ng 5MVA substation sa Calintaan.

Dahil dito ang load ng nasabing 5MVA Calintaan substation ay pansamantala munang inilipat sa 10MVA Calintaan substation, samantalang ang area ng Brgy. Alawihao hanggang Dogongan sa bayan ng Daet at buong bayan ng San Vicente ay inilipat sa Feeder 3 ng 10MVA Lag-on substation upang maging tuluy-tuloy ang daloy ng kuryente sa mga naapektuhang bayan.

Dahil sa nasabing load shifting at mga karagdagang load sa Lag-on at Calintaan Substations, kinakailangang isagawa ang load dropping upang maiwasan ang overloading ng substation na maaring magdulot ng mas malawakang brownout.

Sa ngayon, ang ilang power transformer ng CANORECO ay lumalampas na sa normal level kung kaya’t kinakailangan ang pansamantalang pagbawas ng suplay ng kuryente sa ilang lugar.

Para sa pang matagalang solusyon, ang CANORECO sa ngayon ay bumibili na ng bagong 10MVA power transformer kapalit ng nasirang 5MVA substation upang matugunan ang kasalukuyan at karagdagang load at maging tuluy-tuloy ang daloy ng kuryente.

Ang mga lugar na maaring maapektuhan ng load dropping ay ang Brgy. Taisan, Angas, Tacad, Taba-taba, Oliva, Mandazo, Lidong, Mangcamagong, Laniton, Langga, Pagsangahan, Mantugawe, San Felipe, Caayunan, San Pascual, Tuaca, Plaridel, Binatagan, at Hinampacan sa bayan ng Basud; Brgy. Catandunganon, Matoog-toog, Gaboc, Manguisoc, Hinipaan, Cayucyucan, Masalongsalong, Pambuhan, Tarum, Colasi, Hamoraon, Lalawigan, at Lanot sa bayan ng Mercedes; at Brgy. San Ramon, Manlimonsito, San Antonio, Salvacion at San Isidro sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Technical Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.