Naging dahilan ng mataas na presyo ng kuryente sa buwan ng Mayo 2019 ang biniling kuryente sa Abotiz Power Renewables Inc. o APRI at Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Ang blended generation charge ay umabot sa Php 6.2347 kumpara noong buwan ng Abril na Php 5.2012 lamang kung kaya tumaas ito ng Php 1.0335 at Value Added Tax o VAT na tumaas ng 8 centavos.
Isa rin sa dahilan ng pagtaas ng preyo ng kuryente ay ang naranasang Red Alert Status sa Luzon Grid simulang Abril 2019 kung saan hindi sapat ang supply ng kuryente. Dahil sa naranasang emergency outages at derated capacity ng ilang mga planta sa Luzon na nasundan pa ng nangyaring Luzon earthquake noong Abril 22, 2019, ang ilang planta ay napilitang magshut down para mabigyang daan ang pagsasaayos ng mga apektadong linya at planta. Dahil dito, nagkaroon ng Manual Load Dropping ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at nakaranas ng rotational brownout ang ilang Distribution Utilities sa Luzon kasama na ang CANORECO.
Ang mga nagyaring pagnipis ng suplay ng kuryente at pagkakaroon ng mataas na demand o pangangailangan ang naging sanhi ng mataas ng presyo ng kuryente na babayaran natin ngayong Hunyo 2019.Β
Ang rate sa residential para sa buwan ng Mayo ay umabot ng P 11.1344 per kwhΒ kumpara noong nakaraang buwan ng AbrilHunyo na P 10.1198 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng Php 1.0146 per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 10.1808 per kwh para sa buwan ng Mayo kumpara sa P 9.1662 per kwh noong buwan ng Abril o tumaas din ng Php 1.0146 per kwh.Β
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

