Billing Rates CANORECO Balita

May 2025 Power Rates

Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa May 2025 billing month. Ang residential rate ngayon ay Php 9.3740 per kWh kumpara sa Php 10.4325 per kWh noong nakaraang April 2025 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.4204 per kWh at ang higher voltage rate naman ay Php 6.8313 per kWh. Ang pagbaba na ito ng Php 1.0585 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:

  • Pagbaba ng Generation System Charge ng Php 0.3949 per kWh dahil sa pagbaba ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) Charges at fuel cost na binayaran ng Thema Luzon, (TLI) para sa supply month ng April 2025;
  • Pagbaba ng Transmission System Charge ng Php 0.4557 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng April 2025. Gayundin ang pagtatapos ng pagkolekta ng NGCP sa tatlong installment ng Adjusted Reserved Trading Amount (RTA) para sa February and March 2024 reserve market transactions ng Luzon mula February 2025 hanggang April 2025 billing month alinsunod sa order ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa ERC Case No. 2023-002 RC noong December 3, 2024.
  • Pagbaba ng System Loss Charge ng Php 0.1207 per kWh at ng Value Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.0870 per kWh dahil sa pagbaba ng Generation System Charge at Transmission System Charge.
  • Pagbaba ng Senior Citizen Subsidy Charge ng 0.0001 per kWh.

Sa kabilang banda, patuloy ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.1189 per kWh na nagsimula noong March 2025 Billing Month alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2023-096 RC noong February 19, 2025 na kinokolekta ng National Transmission Corporation (TransCo).

Gayundin, patuloy rin ang pagkolekta ng interim Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.1993 per kWh na nagsimula noong February 2025 billing month alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2024-036 RC noong October 30, 2024 na kinokolekta ng National Power Corporation (NPC).

Sa pagbaba ng power rate na babayaran sa June 2025 para sa mga konsumo sa kuryente nitong May 2025, mababawasan ng Php 105.85 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 211.70 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 317.55 sa nagkokonsumo ng 300kWh.

Sa May 2025 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.5860 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.7385 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7284 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.2830 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4272 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.

Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya sa mga lifeline rate at senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.

Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.