Muling bumaba ang electricity rates na babayaran ngayong July 2020 billing. Ang residential rate ay Php8.8626 per kWh kumpara sa Php9.0836 noong buwan ng Hunyo. Samantala, ang commercial rate naman ay Php7.9090 per kWh para sa low voltage at Php6.2675 per kWh para sa high voltage consumers.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.0626 per kWh, Transmission Charge ng Php0.1339 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0202 per kWh, GRAM/ICERA ng Php0.0035 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0014 per kWh.
Samantala, tumaas naman ng Php0.0005 per kWh ang Lifeline Subsidy at ng Php0.0001 per kWh ang Senior Citizen Subsidy.
Bumaba ang Generation Charge dahil sa pagbaba ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at ng Newcastle Coal Price Index at Foreign Exchange Rate sa Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI). Sa mga power supplier na ito bumibili ng kuryente ang CANORECO.
Ang pagbaba naman ng Transmission Charge ay dahil pa rin sa bumabang Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga nabanggit na power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Ang lahat ng mga pagbabang ito ay sanhi pa rin ng COVID-19 pandemic na nagtulak sa mga ekonomiya sa buong mundo na mag-lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng virus at makapagligtas ng mga buhay ngunit nagdudulot naman ng matinding economic recession.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.

