Ang naranasang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Martes, 29 July 2025, bandang 9:55 hanggang 10:15 ng umaga ay dahil sa naputol na Neutral Line sa may Brgy. Mambalite at Line Side ng Cutout sa may CATV sa Brgy. Cobangbang.
APEKTADONG LUGAR:
> Brgys. 1, 2, 3, Cobangbang, Mabalite, San Isidro, at Happy Homes Pamorangon sa bayan ng DAET.
Inasikaso agad ng Technical Team ng Area 1 Office ang naging sanhi upang agarang maibalik ang serbisyo ng kuryente.

