Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa JANUARY 2026 billing month. Ang residential rate ngayon ay Php 9.1460 per kWh kumpara sa Php 9.8249 per kWh noong nakaraang December 2025 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.1924 per kWh at ang higher voltage rate naman ay Php 6.2971 per kWh. Ang pagbaba na ito ng Php 0.6789 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
- Pagbaba ng Generation System Charge ng Php 0.2480 per kWh dahil sa pagbaba ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) Charge para sa supply month ng December 2025.
- Pagbaba ng Transmission System Charge ng Php 0.2723 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month December 2025.
- Pagbaba ng System Loss Charge ng Php 0.0838 per kWh at ng Value-Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.1054 per kWh na dulot ng pagbaba ng Generation at Transmission System Charges.
- Pagbaba ng Lifeline Subsidy ng Php 0.0002 per kWh at ng Senior Citizen Subsidy ng Php 0.0001 per kWh.
- Pagbaba ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge mula Php 0.2073 per kWh tungo sa Php 0.2011 per kWh epektibo ngayong January 2026 Billing Month alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-150 RC noong 26 December 2025. Ito ay kinokolekta ng National Transmission Corporation (TransCo).
Sa kabilang banda, alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-127 RC noong 26 December 2025, sisimulan ngayong January 2026 Billing Month ang pagkolekta ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) Charge na Php 0.0371 per kWh. Ito ay kinokolekta rin ng National Transmission Corporation (TransCo).
Patuloy naman ang pagkolekta ng interim Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.1993 per kWh alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2024-036 RC noong October 30, 2024. Gayundin ang Universal Charge – Environmental Charge (UC-EC) rate na Php 0.0025 per kWh alinsunod sa advisory ng ERC noong 7 November 2025. Pareho itong kinokolekta ng National Power Corporation (NPC).
Sa pagbaba ng power rate na babayaran sa February 2026 para sa mga konsumo sa kuryente nitong January 2026, mababawasan ng Php 67.89 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 135.78 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 203.67 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa January 2026 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.0238 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.0447 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6908 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3485 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4273 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya sa mga lifeline rate at senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).


