Billing Rates

FEBRUARY 2026 POWER RATES

Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa FEBRUARY 2026 billing month. Ang residential rate ngayon ay Php 9.6354 per kWh kumpara sa Php 9.1460 per kWh noong nakaraang January 2026 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.6818 per kWh at ang higher voltage rate naman ay Php 6.5926 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.4894 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:

  • Pagtaas ng Generation System Charge ng Php 0.1465 per kWh dahil sa pagtaas ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) Charge, at fuel cost na binayaran ng Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng January 2026.
  • Pagtaas ng Transmission System Charge ng Php 0.1939 per kWh dahil sa pagtaas ng Power Delivery Service Charge at Ancillary Service Charge (Ancillary Services from the Reserve Market) ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month January 2026.
  • Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.0578 per kWh at ng Value-Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.0815 per kWh na dulot ng pagtaas ng Generation at Transmission System Charges.
  • Pagsisimula ng pagkolekta ng fixed Uniform National Lifeline Subsidy Rate (LSR) na Php 0.0100 per kWh simula ngayong February 2026 billing month alinsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 2, Series of 2026 na ipinasa noong 29 January 2026.

Sa kabilang banda, patuloy ang pagkolekta ng mga sumusunod:

  • Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.2011 per kWh alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-150 RC noong 26 December 2025.

Green Energy Auction Allowance (GEA-All) Charge na Php 0.0371 per kWh alinsunod naman sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-127 RC noong 26 December 2025.

  • Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.1993 per kWh alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2024-036 RC noong October 30, 2024.
  • Universal Charge – Environmental Charge (UC-EC) rate na Php 0.0025 per kWh alinsunod sa advisory ng ERC noong 7 November 2025.

Samantala, bumaba naman ang Senior Citizen Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh.

Sa pagtaas ng power rate na babayaran sa March 2026 para sa mga konsumo sa kuryente nitong February 2026, madaragdagan ng Php 48.94 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 97.88 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 146.82 sa nagkokonsumo ng 300kWh.

Sa February 2026 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.1703 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.2386 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7486 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.4300 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4370 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.

Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya para sa senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.

Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).