Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa JUNE 2026 billing month. Ang residential rate ngayon sa Mainland ay Php 10.7633 per kWh kumpara sa Php 10.3755 per kWh noong nakaraang May 2026 rate. Ang low voltage rate ay Php 9.8097 per kWh habang ang higher voltage rate naman ay Php 7.8329 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.3878 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
- Pagtaas ng Generation System Charge ng Php 0.4282 per kWh dahil sa pagtaas ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges at fuel cost ng Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng May 2026. Ang pagtaas ng WESM charges ay dulot ng manipis na suplay ng kuryente sa Luzon Grid mula May 13 hanggang 15 na dulot ng sunod-sunod na unplanned power plant shutdowns at forced outages na sanhi ng magkasunod na pag-trip-off ng 500kV Ilijan-Dasmariรฑas at 500kV Ilijan-Tayabas transmission lines,
- Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.0478 per kWh at Value Added Tax (VAT) Charge ng Php 0.1054 per kWh dahil sa pagtaas ng Generation Charges.
Sa kabilang banda, patuloy naman ang pagkolekta ng mga sumusunod:
- Universal Charge โ Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2763 per kWh na nagsimula noong buwan ng Feburary 2026, alinsunod sa ERC Order para sa ERC Case No. 2025-060 RC noong January 30, 2026,
- Universal Charge โ Environmental Charge (UC-EC) rate na Php 0.0025 per kWh alinsunod sa advisory ng ERC noong 7 November 2025,
- Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.2011 per kWh alinsunod sa desisyon ng ERC para sa ERC Case No. 2025-150 RC noong 26 December 2025,
- Uniform National Lifeline Subsidy rate na Php 0.0100 per kWh na nagsimula noong buwan ng February 2026, alinsunod sa ERC Resolution No. 2, Series of 2026 na ipinasa noong 29 January 2026.
Bumaba naman ang Transmission System Charge ng Php 0.1936 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge (Ancillary Services from the Reserve Market) at Power Delivery Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng May 2026. Nakadagdag rin sa pagbabang ito ang patuloy na suplay ng kuryente mula sa renewable energy-embedded generation facilities na nasa franchise area ng CANORECO.
Samantala, suspendido pa rin ang pagkolekta ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) Charge na Php 0.0371 per kWh na nagsimula noong May 2026 hanggang ngayong June 2026 billing month alinsunod sa direktiba ng ERC.
Sa pagtaas ng power rate na babayaran sa JULY 2026 para sa mga konsumo sa kuryente nitong JUNE 2026, madadagdagan ng Php 38.78 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 77.56 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 116.34 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa June 2026 residential power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.1469 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.1262 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.8431 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.5991 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4371 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) nito at sa grid operator (NGCP) ng bansa, gayundin sa mga ibinigay na subsidiya para sa senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).


