CANORECO Balita

Pre Membership Seminar ng CANORECO, Isinasagawa na sa Iba’t Ibang Bayan ng Camarines Norte

Dahil sa patuloy na pagkalat ng pandemyang COVID-19 at sa mga paghihigpit na ipinatutupad ng pamahalaan upang mapigilan ito, inilalapit ng CANORECO ang Pre Membership Seminar (PMS) sa mga member-consumer-owners (MCO) sa bawat bayan ng Camarines Norte.

Ang schedule ng PMS ay ang mga sumusunod:

* San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Daet, Basud, Mercedes, Talisay, Vinzons/Daet Main Office/Martes at Huwebes/8AM-10AM

* Labo/Labo Area Office/Miyerkules/9AM-11AM

* Sta. Elena/Municipal Gymnasium/Miyerkules/1PM-3PM

* Bagong Silang, Labo/Bagong Silang 1 Barangay Hall/Huwebes/9AM-11AM

* Capalonga/Municipal Gymnasium/Huwebes/1PM-3PM

* Paracale at Jose Panganiban/Paracale Municipal Hall/Biyernes 9AM-11AM

Ang PMS ang isa sa mga requirement sa pagpapakabit ng kuntador o ng transformer. Tinatalakay dito ang nature ng CANORECO, obligasyon at karapatan ng mga miyembro, requirements at procedure sa pag-aaplay ng electrical connection, mga bayarin, collection and disconnection policies, senior citizen discount, CANORECO ID, at iba pa.

Upang makaiwas sa banta ng pandemya, pinapaalalahanan ang mga dadalo na sumunod sa mga patakarang pinapairal ng ating pamahalaan. Kailangang obserbahan pa rin ang mga safety protocol gaya ng pagsusuot ng face masks, social distancing, at iba pa. Hanggang limampung (50) katao lamang ang tinatanggap sa kada schedule ng PMS.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang official FaceBook account na Canoreco Balita o makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.