Dumalo ang pamunuan ng CANORECO sa pag-turnover ng cheke para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers Program #Barangay Ko Bahay Ko (TUPAD #BKBK) sa bayan ng Mercedes noong September 8, 2020 sa Office of the Mayor, Municipal Hall, Mercedes, Camarines Norte.
Ang kaganapan ay dinaluhan nina Honorable Dante Morales, Mayor ng Mercedes; Mr. Elmer Nagera, Municipal Administrator ng Mercedes; Mr. George Palmero, Executive Secretary ng Office of the Mayor; Dir. Juanito Palmero, Miyembro ng Board of Directors ng CANORECO sa Mercedes; Engr. Edwin Lamadrid, Presidente ng Board of Directors ng CANORECO; GM Zandro Gestiada, General Manager ng CANORECO; Ms. Rhea Aivee PeΓ±alosa, Chief ng Member Services Division ng CANORECO; Ms. Jane Rolda, DOLE Provincial Head ng Camarines Norte Field Office (videocall); at Ms. Renalyn Alano, Representative ng DOLE.
Ang TUPAD ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong makatulong sa pagbawas ng kahirapan at sa pagtaguyod ng kaunlaran. Ito ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced, underemployed at self-employed workers.
Dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa COVID-19, inaprobahan ng DOLE ang Department Order No. 210, Series of 2020, noong March 18, 2020 para sa mga nasabing manggagawa na nawalan ng mga ikinabubuhay o naapektuhan ang mga kinikita.
Ang trabaho ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programang TUPAD #BKBK ay sampung (10) araw na disinfection at sanitation ng kanilang mga tirahan at kapaligiran. Kabilang sa package of services na matatanggap nila ay ang kanilang kaukulang sahod.
Kabilang ang Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement (RECOBODA) sa mga nag-donate sa DOLE para sa nasabing programa. Dahil ang RECOBODA ay bahagi ng PHILRECA, ang umbrella organization ng 121 electric cooperatives (ECs) sa buong bansa, naging tungkulin ng mga EC na humanap ng mga benepisyaryo ng naturang donasyon sa tulong ng DOLE.
Ang napili ng CANORECO mula sa listahan ng DOLE Camarines Norte ay ang mga underemployed, self-employed at displaced marginalized workers ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.




