CANORECO Balita

WALANG DISCONNECTION SA MGA KONSUMONG 40KWH PABABA HANGGANG DECEMBER 31, 2020

Kabahagi ng ipinatupad na Republic Act No. 11494 o “Bayanihan to Recover as One Act”, nagpalabas ng direktiba ang Energy Regulatory Commission (ERC) noong October 29, 2020.

Ang mga Distribution Utility (DU) gaya ng CANORECO ay inatasang huwag puputulan ng serbisyo ng kuryente ang mga consumer na hindi makapagbabayad ng kanilang konsumo sa kuryente hanggang December 31, 2020 kung ang kanilang monthly consumption ay hindi lalampas sa doble ng inaprobahang maximum lifeline consumption level ng ERC.

Gayon pa man, ang mga consumer na may kakayahang magbayad ay hinihimok na bayaran ang kanilang mga bayarin sa konsumo sa kuryente sa loob ng kanilang orihinal na due date. Ito ay upang matulungan ang pamamahala sa cash flow sa energy supply chain at upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente. Ang mga DU ay maaari ring mag-alok ng mas magaang paraan ng pagbabayad para makahimok ng mas maagang pagbabayad.

Sa ngayon, ang CANORECO ay mayroong “Pay to Win Christmas 2020 Raffle Promo” para sa mga consumer na walang arrears sa kuryente. Ang paripa ay gagawin sa November 27, 2020 at December 30, 2020. Ang mga consumer na mabubunot ay maaaring manalo ng mga grocery package, kalahating kilong bigas, bisikleta, tablet, at multicab.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) at Finance Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100 at 054-5713796.