CANORECO Balita

NEA ADMINISTRATOR, BUMISITA SA CANORECO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita sa CANORECO ang National Electrification Administration (NEA) Administrator, Mr. Edgardo Rama Masongsong, noong hapon ng November 4, 2020 (Miyerkules).

Ito ay bahagi ng kanyang paglilibot sa mga Electric Cooperative (EC) sa Bicol Region na kamakailan lang ay hinagupit ng Category 5 Super Typhoon (STY) “Rolly”, at sa pagsalubong sa Linemen ng iba’t ibang EC sa Pilipinas na tutulong upang makabangon at mapailawan muli ang naturang rehiyon bilang bahagi ng “PRRD Task Force Kapatid”.

Ang “Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid” ay aktibidad ng One EC Network Foundation – ang corporate social responsibility arm ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (PHILRECA) – at ng One EC-MCO Movement na kinabibilangan ng PHILRECA Partylist, APEC Partylist (Association of Philippine Electric Cooperatives), Ako Padayon Pilipino Partylist at RECOBODA Partylist (Rural Electric Consumers & Beneficiaries of Development & Advancement) na pinamumunuan ng tinaguriang “The Power Bloc Representatives” ng Kongreso.

Dinaluhan ang pagbisitang ito nina CANORECO Board Vice-President Socrates J. Fuentebella (District III – Daet South/San Lorenzo Ruiz), Board Treasurer Cesar l. Elizario (District 1- Basud), Dir. Bartolome Armin T. Nieva (District V – San Vicente/Talisay), Dir. Juanito A. Palmero (District X – Mercedes), Dir. Marcial P. Ferrer (Director XI – Vinzons), General Manager Zandro R. Gestiada, at ng mga empleyado ng CANORECO.

Bilang “Ama ng Sustainable Development Through Rural Electrification”, tinalakay nya ang pagsasakatuparan ng Total Rural Development sa pamamagitan ng Rural Electrification Program ng pamahalaan sa pakikipagtulungan ng globally-competitive na mga EC at ng pinalakas na mga konsumidor ng kuryente.

Ang bagong NEA sa pamumuno ni Admin Masongsong ay isang institusyon na nakatuon sa pagpapalakas sa mga kasama nito sa Rural Electrification Program, gaya ng mga EC, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga ito ay magiging mas mahusay, maaasahan at globally-competitive.

Sa kanyang pagbisita, sinamantala rin ni NEA Admin Masongsong ang pagkakataon upang talakayin ang mga mandato, pananaw, mga layunin at credo ng NEA, at kung paano maisasakatuparan ang lahat ng ito.

Tinalakay din ni NEA Admin Masongsong ang kanyang sumusunod na 7-Point Agenda:
1. Complete the National Rural Electrification Program;
2. Intensify Capacity Building Program for the Electric Cooperatives;
3. Prioritize the Empowerment Program for the Electric Consumers;
4. Carry out Rural Development Program thru Rural Electrification Program;
5. Carry on the current Corporate Governance Program of the NEA;
6. Strengthen networking and linkaging with the policy-makers to ensure that the Legislative agenda beneficial to the NEA, Electric Cooperatives, and Electric Consumers are given attention; and
7. Introduce the paradigm shift from central NEA to Federal State Electrification Administration or carry out a transition period towards the creation of the National Center of ECs (Electric Cooperative Consumers) to self-govern the rural electrification movement.

Binigyang-diin ni NEA Admin Masongsong ang importansya ng magandang relasyon sa pagitan ng mga EC at ng mga member consumer owners (MCOs).

Nagpapasalamat ang CANORECO sa NEA at kay NEA Admin Masongsong sa pagbisita at pagkumusta sa kalagayan ng CANORECO at ng franchise area nito matapos itong sumailalim sa hanggang Signal No. 4 kay STY “Rolly” noong November 1, 2020 (Linggo).

Nagpapasalamat din ang CANORECO sa PHILRECA – ang umbrella organization ng 121 EC sa buong Pilipinas – at sa One EC-MCO Movement sa paggabay at pagtulong hindi lamang sa mga EC kundi pati na rin sa lahat ng MCOs sa bansa lalo na tuwing panahon ng kalamidad at pandemya. Totoo ngang “United We Stand, We Stand United!”

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.