Tumaas na ang billing rates na babayaran para sa October 2020 billing. Ang residential rate ay Php8.9130 per kWh na kumpara sa Php8.4952 per kWh noong nakaraang September 2020 billing. Samantala, ang low voltage rate ay Php7.9594 per kWh na habang ang high voltage rate naman ay Php6.3339per kWh na. Nagkaroon ng pagtaas na Php0.4178 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php0.3340 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0375 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0654 per kWh.
Samantala, bumaba naman ng Php0.0070 per kWh ang Lifeline Subsidy at GRAM/ICERA, at ng Php0.0121 per kWh ang Transmission Charge.
Ang pagtaas ng Generation Charge ay dahil sa mas mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at sa mas mataas na Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index components sa billing ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) para sa supply month ng September 2020. Ang WESM at APRI ay ang mga power supplier na binibilhan ng kuryente ng CANORECO.
Bumaba naman ang Transmission Charge dahil sa mas mababang average transmission charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.
Ang mga components na ito ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI at sa transmission utility gaya ng NGCP.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.

