Ang naranasang Emergency Power Service Interruption sa mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, SAN VICENTE, TALISAY, VINZONS, LABO, STA. ELENA at CAPALONGA; Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Mampungo, Mangkasay at Tabas sa PARACALE; at Brgys. Tamisan at San Martin sa JOSE PANGANIBAN noong July 5, 2022 (Martes) mula 5:43 ng umaga hanggang 5:51 ng umaga (8 minuto) ay dahil sa “Automatic Load Dropping (ALD) due to System Deficiency” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang ALD ay nangyayari kapag biglaang nawawalan ng suplay ng kuryente ang isa o ilang lugar dahil sa biglaang pagbaba ng suplay ng kuryente sa power grid. Ito ay minomonitor ng NGCP na isang pribadong kompanya na nag-ooperate, nagme-maintain at nagde-develop ng electricity transmission grid ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.

