Bahagyang tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa May 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 9.8045 per kWh kumpara sa Php 9.7232 per kWh noong nakaraang April 2024 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.8509 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.4627 per kWh. Ang bahagyang pagtaas na ito ng Php 0.0813 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
• Pagtaas ng Generation System Charge ng Php 0.1305 per kWh dahil ang presyo ng kuryenteng binili sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply month ng April 2024 ay tumaas ng Php1.2371 per kWh.
• Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.0227 per kWh dahil sa pagtaas ng Generation System Charge.
• Pagtaas ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0618 per kWh.
Sa kabilang banda, bumaba naman ang mga sumusunod:
• Ang Transmission System Charge ay bumaba ng Php 0.1336 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng April 2024.
• Ang Lifeline Rate Subsidy Charge ay bumaba ng Php 0.0001 per kWh.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagkolekta ng mga sumusunod:
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh mula February 2024 billing alinsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 01, Series of 2024.
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2255 per kWh na binubuo ng Php 0.0433 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na kinokolekta ng PSALM Corporation at ng Php 0.1822 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Sa bahagyang pagtaas ng power rate na babayaran ngayong June 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong May 2024, madadagdagan ng Php 8.13 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 16.26 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 24.39 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa May 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.2303 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.5376 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6806 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3177 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4274 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph.