CANORECO Balita

CANORECO, HINDI NA NATAPOS ANG PAG-READING; KONSUMO SA KURYENTE, IN-AVERAGE NA MUNA

CANORECO, HINDI NA NATAPOS ANG PAG-READING; KONSUMO SA KURYENTE, IN-AVERAGE NA MUNA

Dahil sa sunod sunod na bagyong nanalasa sa ating probinsya na sina Typhoon (TY) Quinta noong October 25, Super Typhoon (STY) Rolly noong November 1 at TY Ulysses noong November 11, hindi natapos ang pagri-reading ng mga Meter Readers ng CANORECO na naka-schedule sana mula October 28 hanggang November 17 para sa billing month na October 2020.

Hindi na rin ito naipagpatuloy dahil kasama ang mga Meter Reader ng Kooperatiba sa Power Restoration Activities na ginagawa ng mga Lineman at iba pang Technical Personnel upang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga nasirang kuntador, mga naputol na linya at mga natumbang poste.

Kung kaya naman napagdesisyunan ng pamunuan ng Kooperatiba na i-average na lamang ang reading ng mga consumer nito para sa October 2020 base sa konsumo nila noong July, August at September 2020 billings. Ini-adjust din ang mga due date ng mga consumer na in-average ang reading. Ide-deliver ang mga Electric Bill Notice sa mga consumer bago ang kanilang due date.

Gayon pa man, ang mga consumer na may kakayahang magbayad ay hinihimok na bayaran ang kanilang mga bayarin sa kuryente bago o sa araw ng kanilang due date. Ito ay dahil may mga due date rin ang CANORECO sa Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI), Wholesale Electricity Spot Market (WESM), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Transmission Corporation (TRANSCO), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Power Sector Assets & Liabilities Management Corporation (PSALM).

Ito rin ay upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sapagkat magkakaroon ng disconnection sa may mga arrears na kumukonsumo ng 41kWh pataas kada buwan. Muli ring magkakaroon ng disconnection sa mga kumukonsumo ng 40kWh pababa kada buwan simula January 1, 2021 base na rin sa inilabas na direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong October 29, 2020.

Ang mga consumer na walang matatanggap na Electric Bill Notice para sa billing month na October 2020 ay maaari pa ring makapagbayad ng kanilang bayarin sa kuryente sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang lumang Electric Bill Notice o lumang Teller’s Official Receipt (TOR) sa pagbabayad sa mga Area Office, Service Center at Accredited Bayad Center ng CANORECO.

Samantala, ang mga consumer na may mga Arrears sa kanilang mga Electric Bill Notice ay maaari nang magbayad sa mga Accredited Bayad Center ng CANORECO.

Gaya ng dati, ang mga consumer ay maaari ring magbayad ng kanilang bayarin sa kuryente sa mga gaganaping Follow Up Collection sa mga sumusunod na bayan at petsa:

BAYAN PETSA
Basud November 18 at 23
San Lorenzo Ruiz November 20 at 23
San Vicente November 24
Talisay November 24
Mercedes November 25
Vinzons November 26

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang official FaceBook account na Canoreco Balita o makipag-ugnayan sa Finance Services Department (ISD) sa cellphone no. 09081865100 at landline no. 054-5713796.