Naisagawa ng CANORECO ang Orientation sa mga Barangay Member Consumer Owner (MCO) Officers (BMCOOs) sa lahat ng distrito/munisipalidad ng lalawigan ng Camarines Norte nitong katatapos lang na March 2022.
Isinagawa ang Orientation sa mga BMCOOs noong March 2 sa CANORECO Daet Area Office; March 3 sa Basud Old Sports Complex; March 4 sa San Lorenzo Ruiz Stadium; March 8 sa San Vicente Municipal Gymnasium; March 9 sa Talisay Municipal Function Hall; March 10 sa Mercedes Sports Complex; March 11 sa Vinzons Municipal Kiosk; March 14 sa Labo Sports Complex; March 15 sa Paracale Sports Complex; March 16 sa Jose Panganiban Sports Complex; March 17 sa Capalonga Sports Complex; at March 18 sa Sta. Elena Municipal Gymnasium.
Sa pangunguna ng mga CANORECO Federation MCO Officers na sina Chairman Vicente Medenilla ng Paracale, Vice Chairman Ramon Barrameda ng Basud, Secretary Cristina Grace Malate ng Daet North, Kgd. Arnel Villaflores ng Sta. Elena, Kgd. Hipolito Macale ng San Lorenzo Ruiz, Kgd. Jayrely Espina ng San Vicente, Kgd. Joeffrey Asis ng Vinzons, Kgd. Richard Alaon ng Daet South, Kgd. Oscar Bacerdo ng Mercedes at Kgd. Roberto Abierta ng Talisay, dumalo ang mga CANORECO Barangay MCO Officers mula sa iba’t ibang barangay ng Camarines Norte.
Dinaluhan rin ang mga nasabing aktibidad ng CANORECO Board of Directors na kinabibilangan nina Board President Marcial Ferrer, Board Vice President Nicanor Neri, Dir. Engr. Fernando Cruz, Dir. Bartolome Armin Nieva, Dir. Juanito Palmero, Dir. Engr. Edwin Lamadrid, Dir. Balbino Boral Jr. at Dir. Melchor Antigua.
Sa nasabing orientation naipaliwanag ng pamunuan ng CANORECO ang kahalagahan at obligasyon ng pagiging Officer ng MCO. Nalaman din ng mga MCO kung paano nagsimula ang kooperatiba, ang mga naging accomplishment ng mga nakaraang pamunuan hanggang sa kasalukuyan, ang mga kinakaharap na hamon, at ang mga programang nakalaan para sa mga MCO. Idinulog naman ng mga MCO sa pamunuan ng kooperatiba ang mga alalahanin nila sa kani-kanilang mga barangay. Maliban sa pagiging miyembro at konsumidor, ipinaramdam sa mga MCO na sila ang may-ari ng kooperatiba at kasama sa tagumpay ng CANORECO.
Ang mga orientation ay isinagawa nina CANORECO Institutional Services Manager Mary Ann Moreno; ang mga Area Managers na sina Engr. Rafael Villagracia ng CANORECO Area 1 at Engr. Arlan Gutierrez ng CANORECO Area 2; Area Officer-In-Charge Maria Victoria Ramos ng CANORECO Area 3; Area Chiefs na sina Engr. Jared Mapusao ng Area 1 at Engr. Eric Adem ng Area 3; at Member Services Officer-In-Charge Melissa Abogado.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph










