CANORECO Balita

Mga Basehan ng Estimated/Averaged/Adjusted Billing Para sa October at November 2020 Billings

Dahil sa mga nagdaang bagyo na naging sagabal upang maisagawa ang pag-reading ng mga kuntador ayon sa takdang panahon, ipapatupad ng CANORECO ang probisyon sa Resolution No. 02, Series of 2010 na may titulong “A Resolution Adopting the Amendments to the Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR)” na ipinasa ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong February 22, 2010.

Ayon sa Article 3, Section 3.5.4(a) nito, kung ang isang Distribution Utility (DU) gaya ng CANORECO ay hindi makakuha ng magagamit na datos mula sa kuntador ng isang konsumidor o hindi ma-reading ang kuntador ng isang konsumidor sa itinakdang araw ng pag-reading nito dahil sa kaganapang lampas sa kontrol ng DU o iyong tinatawag na “Force Majeure” event, maaaring singilin ng DU ang nasabing konsumidor base sa kanyang estimated na gamit ng kuryente sa isang billing period.

Nakasaad naman sa Section 3.5.4(b) na isa sa mga paraan para makalkula ang estimated billing ay ang pag-average sa nakaraang tatlong (3) buwang konsumo sa kuryente ng konsumidor.

Alinsunod naman sa Section 3.5.4(d), ang CANORECO ay magpapatupad ng adjustment sa susunod na Actual Meter Reading para sa mga kinonsumo sa buwan ng November 2020. Ang nakaraang Averaging/Estimated Billing para sa buwan ng October 2020 ay ibabawas sa Actual Billing para sa buwan ng November 2020. Tanging ang kaibahan o difference sa previous estimated billing at present actual reading ang babayaran ng Member Consumer Owner (MCO) para sa buwan ng November 2020.

Ang “Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR)” ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkabisa noong January 18, 2006 ay naglalayong makapagtakda ng mga panuntunan, mga tuntunin at mga kundisyong nauukol sa Distribution Connection Assets and Services, Service to the Captive Market, Supplier of Last Resort, Service to the Contestable Market, Unbundled Distribution Wheeling Service, at Guidelines for Establishing Regulated Service Rates.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) at Finance Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100 at 054-5713796.