Dahil sa pagsalanta nila Typhoon “Quinta”, Super Typhoon “Rolly” at Typhoon “Ulysses” sa lalawigan ng Camarines Norte mula October 25 hanggang November 11, 2020, naapektuhan ang Reading Period, Billing Period, Collection Period at Disconnection Period ng CANORECO para sa buwan ng October 2020.
Kaya naman napagdesisyunan ng pamunuan ng kooperatiba na isang Raffle Draw na lamang ang gagawin para sa Pay To Win Christmas 2020 Raffle Promo nito. Sa halip na dalawang beses gagawin ang pa-raffle – sa November 27 at sa December 30 – gaya ng sa naunang mga anunsyo, gagawin na lamang ito isang beses sa December 30, 2020.
Sa December 23, 2020 naman ang huling araw ng paghulog ng mga Raffle Stub/Entry para sa mga Electric Bill ng October at November 2020 sa mga Drop Box na matatagpuan sa mga CANORECO Area Office, Service Center at Accredited Bayad Center.
Gagawin ang pa-raffle sa Ground Floor ng CANORECO Main Office, J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte sa oras na 1:00 ng hapon kung saan ang mga mananalo ay dapat na walang arrears sa kooperatiba.
Ang mga papremyo na para sana sa November 27 ay isasama na lamang sa mga papremyo para sa December 30. Ang lahat na mga papremyo ay ang mga sumusunod:
1. Grocery Package para sa dalawampung (20) consumer bawat distrito;
2. Half Sack of Rice para sa tatlumpung (30) consumer bawat distrito;
3. Mountain Bike para sa dalawang (2) consumer bawat distrito;
4. Tablet para sa apat (4) na consumer; at
5. Multicab para sa isang (1) consumer bilang Grand Prize.
Layon ng aktibidad na ito na (1) mapalakas ang koleksyon ng koop, (2) maisali at mabigyang-diin ang papel ng mga Member Consumer Owner (MCO) sa pagkamit ng mga layunin ng koop, (3) maitanim ang kamalayan ng pagbabayad sa mga MCO, at (4) makapagbigay ng mga insentibo sa mga responsableng MCO na nagbabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente sa tamang oras.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Finance Services Department (FSD) sa mga numerong 09081865100 at 054-5713796.


