Ang Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) ay magdaraos ng ika- 36 na Taunang Pagpupulong Ng Pangkalahatang Kasapian sa Agosto 25, 2018, Sabado ganap na ala 1:00 ng hapon sa Daet Agro Sports Center at Labo Sports Complex. Ang sabay na pagpupulong ay gaganapin sa pamamagitan ng Video Conferencing.
Ang asembliya para sa mga taga Bicol Speaking towns tulad ng bayan ng Daet, Vinzons, Mercedes, Basud, Talisay, San Vicente at San Lorenzo Ruiz ay gagawin sa Daet Agro Sports Center. Samantalang sa Labo Sports Complex naman ang mga taga Tagalog Speaking tulad ng Labo, Sta. Elena, Capalonga, Paracale at Jose Panganiban.
Ang Lupon at pamunuan ng CANORECO ay mag uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2017. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
- Pagbasa at pag- aproba ng katitikan ng nakaraang pagpupulong
- Ulat ng Pangulo
- Ulat ng Ingat-Yaman
- Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
- Collective Bargaining Agreement
- Iba pang paksang tatalakayin
- Malayang talakayan
- Adjournment
Tampok na bahagi ang panunumpa ng mga bagong halal na Member Consumer Owners o MCO at bibigyan ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba sa taong 2017. Ang paripa naman ng mga pa premyo na hahatiin sa dalawang venue para sa Bicol Speaking at Tagalog Speaking na para sa mga kasaping dadalo ay gaganapin sa huling programa. Ang paksa ng palatuntunan ay “ Lakas Ng Miyembro Para Sa Progresibong CANORECO”. Inaasahan bilang panauhing pandangal ang National Electrification Administration (NEA) Administrator na si Ginoong Edgardo R. Masongsong.
Ang mga papremyo sa nasabing AGMA ay ang mga sumusunod:
- Grand Prize – 2 units Tricycle
- 1st Prize – 2 units Motorcycle
- 2nd Prize – 7 units 32” Smart TV
- 3rd Prize – 7 units Mountain Bike
- 4th Prize – 7 units 6kg Washing Machine
- Consolation Prizes- 52 units Desk Fan & 52 pcs 25kg sako ng bigas
Magsisimula ang pagpapatala ng mga miyembro sa ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ng Agosto 24, Biyernes at simulang alas 9:00 ng umaga sa Agosto 25, Sabado. Ang venue para sa registration ay sa mga sports complex ng bawat bayan. Ang CANORECO ay magbibigay ng libreng transportasyon sa mga dadalong kasapi. Maaaring makipag ugnayan sa MSEAC Chairman o sa mga Area Offices ng CANORECO ukol dito.
Magdala lamang ng CANORECO membership I.D na may picture o anumang valid I.D. para sa madaling pagpaparehistro. Kinakailangan din ang valid ID na may picture para sa maswerteng mananalo sa mga papremyo.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

