Ipinagdiwang noong August 3, 2020 ang kauna-unahang “Linemen Appreciation Day” bilang pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga electrical line worker sa paghahanap ng sustainable rural development sa pamamagitan ng rural electrification at sa kanilang mga kontribusyon sa power utility.
Ang pagdiriwang na ito ay inilunsad bilang panimula sa House Bill No. 472 na isinumite ng “The Power Bloc” sa Kongreso. Nilalayon nito na maideklara ang unang Lunes ng buwan ng Agosto taon-taon bilang “National Linemen Appreciation Day”.
Kasali sa pagdiriwang na ito (1) ang National Electrification Administration (NEA) na siyang maghahanda at magpapatupad ng isang annual convention bilang parte ng programa; (2) ang mga Distribution Utilities (DUs) na siyang susuporta sa NEA sa pagsusulong at pag-aasikaso sa iba pang kaugnay na aktibidades; at (3) ang iba pang pribadong institusyon gaya ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) at ang Department of Energy (DOE) na siya namang naatasang maglunsad ng mga aktibidad gaya ng trainings at seminars, learning sessions at national convention for Linemen.
Napanood at napakinggan ng mga tinaguriang “Warriors of Light” sa pamamagitan ng Facebook Live ang mensahe ng mga author ng house bill na ito na siyang mga representante na bumubuo sa tinatawag na “The Power Bloc”: (1) The Honorable Presley De Jesus, PHILRECA Representative; (2) The Honorable Sergio Dagooc, APEC Representative; (3) The Honorable Godofredo Guya, RECOBODA Representative; at (4) The Honorable Adriano Ebcas, Ako Padayon Pilipino Representative.
Nagbigay rin ng mensahe ang NEA Administrator na si Mr. Edgardo R. Masongsong at ang PHILRECA General Manager na si Atty. Janeene Depay-Colingan.
Nagpaabot din ng kanyang mensahe ang General Manager ng CANORECO na si GM Zandro R. Gestiada kasabay ng isang audio-visual presentation tampok ang mga Lineman o “Warriors of Light” ng kooperatiba na mapapanood sa Facebook page na Canoreco Balita.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09274974575 at landline no. 054-5713796.



