Isang buwan na ang nakalilipas ng ilunsad ng CANORECO ang pagbabayad ng electric bills sa pamamagitan ng online payment platforms na GCash at PayMaya noong March 10, 2022. Susunod naman ang pagbabayad sa 7-Eleven branches kung saan maaaring magbayad ng bayarin sa kuryente sa pamamagitan ng CLiQQ Kiosk.
Ang GCash ay isang electronic wallet kung saan maaaring magsagawa ng “cashless transactions” na sinasabing mas ligtas at mas madali para sa mga pang-araw-araw na pagbabayad dahil sa pagiging online nito. Kagaya rin nito ang PayMaya kung saan maaring magbayad ng mabilis, ligtas at “hassle-free”.
Ang CLiQQ Kiosk naman ay bahagi ng services ng 7-Eleven branches sa buong bansa kung saan maaari ring magbayad ng bills online at iba pa.
Upang makatulong sa mga Member Consumer Owners (MCOs) na hindi makapunta sa mga opisina ng CANORECO upang makapagbayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente, minabuti ng kooperatiba na makipagtambal sa mga nasabing kompanya kung saan maaari nang magbayad ang mga MCOs ng kanilang electric bills mula sa kanilang mga bahay at opisina.
Maaaring magbayad ng kanyang electric bill ang isang MCO sa pamamagitan ng mga nasabing platforms kung ang classification ng kanyang account ay Residential o kaya ay Commercial. Maaari ring magbayad sa mga ito kung ang account ay updated o yung walang arrears, hindi pa past due at walang naiwang bayarin na reconnection fee. Maaaring subukang magbayad ng mga MCO tatlong araw matapos matanggap ang kanilang electric bill mula sa mga Meter Reader ng kooperatiba hanggang sa araw ng kanilang due date.
Hanapin lamang sa electric billers ng mga nasabing platforms ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO). Ilagay ang 10-digit Account Number kasama ang mga dash, Account Name at saktong amount ng Total Amount Due. Maaari ring maglagay ng Email Address sa GCash at Cellphone number sa 7-Eleven CLiQQ Kiosk. Siguraduhing makatanggap ng Confirmation.
Ang pamunuan ng CANORECO ay patuloy na magbibigay ng maganda at mabilis na serbisyo para sa aming mga MCOs gaya ng nabanggit na pamamaraan sa pagababayad ng electric bills.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph



