Paunawa at paliwanag ukol sa naganap na pagkawala ng serbisyo ng kuryente kagabi (1 July 2025, Martes) sa mga bayan ng Santa Elena, Capalonga, at ilang barangay sa mga bayan ng Labo at Jose Panganiban.
Bandang 7:53 kagabi ay nawalan ng serbisyo ng kuryente ang mga naapektuhang lugar. Sa pag-iinspeksyon ng linya ng ating Technical Team ay natagpuan nila ang nabaling cross arm ng poste ng kuryente sa may Sitio Mataganki, Barangay Bagong Silang 1 sa bayan ng Labo.
Agad naman itong inaksyonan ng ating Technical Team at naibalik ang serbisyo ng kuryente bandang 10:35 ng gabi.
Tuloy-tuloy ang isinasagawang pagpapatrolya at inspeksyon natin sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCOs.

