CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Paunawa at paliwanag ukol sa kamakailang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente noong mga nakaraang araw (Hunyo 23-29, 2025) sa River Block barangays ng Basud at Coastal barangays ng Mercedes.
Batay sa isinagawang pagsusuri ng ating Technical Team, natuklasan na ang sanhi ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente sa mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:
> May basag at tumagilid na Pin Insulator sa may linya ng Colasi Mini Hydro-electric Power Plant sa Barangay Matoogtoog, Hinipaan, at Tarum sa bayan ng Mercedes.
> Malaking Paniki (Kabog) na nakasabit sa Pole 342 sa linya ng Colasi Mini Hydro-electric Power Plant sa Barangay Mocong sa bayan ng Basud.
> Nagbabagang linya at pagkapinsala ng dalawang Holder ng Disconnecting Cutout sa may Barangay Pinagwarasan, Basud.
Agarang kumilos ang ating Technical Team upang ayusin at maibalik agad ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar. Patuloy ang isinasagawang pagpapatrolya at inspeksyon sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCOs.