UPDATE:
> Ang sanhi ng disturbance sa linya ay dahil sa landslide na naganap sa may Sitio Paraiso, Brgy. Bulala sa bayan ng Santa Elena kung saan naapektuhan ang linya ng kuryente.
> Sa kasalukuyan ay hindi pa makatawid ang mga line worker ng Kooperatiba sa Brgy. Daguit, Labo dahil sa baha nararanasan sa nabanggit na lugar.
=========
Ang nararanasang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Linggo, 08 February 2026, mula 1:53 ng umaga ay dahil sa disturbance sa linya.
APEKTADONG LUGAR:
> Buong bayan ng SANTA ELENA;
> Brgys. Anameam, Malibago, Malaya, Kanapawan, Kabatuhan, Tigbinan, Guisican, at Bayabas sa LABO;
> Brgys. Villa aurora, Villa Belen, at San Antonio sa CAPALONGA.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng pag-inspeksyon ng linya ang Technical Personnel ng Area 2 Office upang maibalik at maisaayos ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

