CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Paunawa at paliwanag ukol sa naganap na pagkawala ng serbisyo ng kuryente nitong gabi ng Miyerkules (2 July 2025) sa River Block barangays ng Basud at Coastal barangays ng Mercedes.
Bandang 10:14 hanggang 10:29 ng gabi ay nawalan ng serbisyo ng kuryente ang mga naapektuhang lugar. Nakatanggap ng report ang Area 1 Office na may narinig na pagputok sa may Barangay Hinipaan sa Mercedes.
Agad itong pinuntahan ng Technical Team ng Area 1 Office at nagsagawa ng inspeksyon sa nasabing lugar at sa mga karatig barangay nito. Matapos masiguro na maayos ang linya ay agad na ibinalik ang serbisyo ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Tuloy-tuloy ang isinasagawang pagpapatrolya at inspeksyon natin sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCOs.