CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Paunawa at paliwanag ukol sa naganap na pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong umaga ng Huwebes (3 July 2025) sa mga bayan ng Santa Elena, Capalonga, at ilang barangay sa mga bayan ng Labo at Jose Panganiban.
Bandang 7:26 ng umaga ay nawalan ng serbisyo ng kuryente ang mga naapektuhang lugar. Sa pag-iinspeksyon ng linya ng ating Technical Team mula sa Area 2 Office ay natagpuan nila ang napatid na Service Drop sa may P3 Barangay Daguit sa bayan ng Labo na sumabit sa 69kV at 13.2kV power lines.
Hindi na nakuha ang Plate Number ng Truck na nakapatid ng Service Drop dahil mabilis ang patakbo nito. Gayunpaman, agad na inaksyonan ng ating Technical Team ang naging sanhi ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente at naibalik ito bandang 8:10 ng umaga.
Tuloy-tuloy ang isinasagawang pagpapatrolya at inspeksyon natin sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCOs.