Inaabisuhan ang lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) sa Barangay Santa Elena sa bayan ng TALISAY, na ang Account Number ay nagsisimula sa 3508, na ang wastong Due Date ng inyong electric bill ay sa 19 June 2025, sa halip na 20 June 2025.
Hinihikayat po ang lahat na makapagbayad sa tamang petsa. Magkakaroon ng Follow-up Collection Activity sa mismong araw ng due date sa bayan ng Talisay sa 19 June 2025 (Huwebes) sa Sports Complex (Plaza) mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Maaari ring magbayad ng mas maaga sa inyong due date sa Drive-thru Teller Window sa CANORECO Main Office (Talisay), Area 1 Office (Daet), Bayad Centers, o sa online payment platforms na GCash, PayMaya, at CLiQQ Application ng 7Eleven.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.



