CANORECO Balita

CANORECO Balita | 2025 Paracale Special District Elections

Sa naganap na Special District Election para sa CANORECO District VII – Paracale noong Hulyo 26, 2025, ito ay idineklarang “Failure of Election” matapos na walang magsumite ng kandidatura para sa posisyon ng direktor. Kaugnay nito, itinakda ang muling pagsasagawa ng Special District Election para sa nasabing distrito sa darating na Oktubre 25, 2025, alinsunod sa NEA Memorandum No. 2014-019, Series of 2014, na may pamagat na “Guidelines on the Conduct of District Elections for Electric Cooperatives.”
Ang sinumang interesadong kumandidato bilang Direktor ay dapat magtaglay ng mga qualifications na nakasaad sa Republic Act No. 10531 at sa mga DOE Circular. Ang mga qualifications ay ang mga sumusunod:
1. Mamamayang Pilipino;
2. Nakapagtapos nang hindi bababa sa apat (4) na taong kurso;
3. May edad na hindi bababa sa dalawampu’t isa (21) at hindi tataas sa pitumpung (70) taon sa araw ng election;
4. May “good moral character”;
5. Ang miyembro ay walang hindi maayos o hindi pa nababayarang mga obligasyon sa EC personal man o sa pamamagitan ng komersyal o pang-industriya na koneksyon kung saan siya ang may-ari/kasamang may-ari tatlong (3) buwan bago ang oras ng paghahain ng certificate of candidacy;
6. Para sa nanunungkulan na mga miyembro ng EC Board na maghahangad na muling mahalal, kasama sa ituturing na hindi pa nababayarang obligasyon ang mga singil sa kuryente, mga cash advance, mga disallowance (kabilang ang mga natuklasan sa pag-audit ng NEA) at mga materyales at kagamitan na ibinibilang mula sa oras ng paghahain ng certificate of candidacy;
7. Walang pagkakautang o obligasyon sa kooperatiba;
8. Hindi natanggal sa pagka-Direktor o pagiging empleyado sa alinmang electric cooperative;
9. Hindi nahuli ng pandaraya sa kuryente;
10. Aktwal na residente at konsumidor sa distritong kakatawanin nang hindi bababa sa dalawang (2) taon bago ang election;
11. Nakadalo sa Annual General Membership Assembly ng CANORECO nang hindi bababa sa dalawang (2) beses sa loob ng limang (5) taon bago ang election;
12. Kasapi ng kooperatiba at kwalipikadong botante sa distritong kanyang kakatawanin sa loob ng hindi kukulangin sa siyamnapung (90) araw bago idaos ang election;
13. Hindi humahawak ng “public office” maging ang kanyang asawa na may Salary Grade na 16 pataas o ng kaparehong Salary Grade. Ang mga nasa “public office” na may Salary Grade na 15 pababa lamang ang maaaring kumandidato;
14. Hindi kumandidato sa nakaraang local o national elections maging ang kanyang asawa;
15. Hindi napatunayang nagkasala sa anumang krimen na sangkot ang moralidad;
16. Hindi natanggal nang may kadahilanan sa kanyang trabaho sa public office, gobyerno o pribadong tanggapan;
17. Siya ay hindi kamag-anak ng sinuman sa mga nakaupong Director o General Manager, Acting General Manager, Project Supervisor o kahalintulad o mas mataas na posisyon at ng sinuman sa mga Department Managers ng CANORECO hanggang 4th civil degree of consanguinity o affinity;
18. Hindi nagtatrabaho o walang interes-pinansyal sa mga establisyemento na nagbebenta ng kuryente o electrical hardware sa kooperatiba o walang business transaction sa CANORECO kasama ang paggamit o rental ng poste;
19. Hindi kumakatawan sa juridicial person;
20. Ang kandidato ay dapat makadalo sa Pre-Election Briefing/Orientation na gagawin ng kooperatiba para sa mga kandidato.
Ang sinumang nagnanais na tumakbo para sa election ay dapat na matugunan ang mga nasabing kwalipikasyon. Kinakailangan lamang pumunta sa CANORECO Main Office, Hotel Mega Star Building, National Diversion Road Junction, Barangay Itomang, Talisay para sa pagkuha ng Certificate of Candidacy (COC). Ang mga kailangang isumite na requirements (in 3 copies) ay ang mga sumusunod:
1. Certificate of Candidacy (duly notarized);
2. Resume na may 2X2 picture;
3. Photocopy ng College Diploma para sa pagtatapos ng apat (4) na taong kurso at Licensure Examination Result kung meron (original to be presented);
4. Photocopy ng Transcript of Records na may Special Order para sa apat (4) na taong kurso (original to be presented);
5. Photocopy ng PSA Birth Certificate (original copy to be presented);
6. Latest Certificate of Good Moral Character mula sa barangay o PNP o NBI;
7. Latest Certificate of being a member in good standing mula sa Finance Services Department (FSD) at Office of the General Manager (OGM) ng CANORECO. Para sa incumbent Director na tatakbo para sa re-election, kinakailangan din ang latest Certification ukol sa kanyang obligasyon sa kooperatiba;
8. Latest barangay certificate na nakasaad ang bilang ng taon ng pagiging residente sa barangay;
9. Latest power bill receipt;
10. Certification mula sa Membership Services Division ukol sa Annual General Membership Assembly (AGMA) attendance;
11. Latest Certificate of Employment. Para sa government employee, kailangang nakasaad ang position at salary grade. Kailangan din ang Certificate of Employment ng asawa na nakasaad ang salary grade kung ito ay government employee;
12. Personal Data Sheet ng asawa. (Kung government employee, nakasaad ang position at salary grade);
13. Latest Certificate mula sa COMELEC na nagpapatunay ng hindi pagtakbo sa pinakahuling local at national election (including spouse);
14. Latest clearances mula sa Prosecutor/Fiscal Office, RTC, MTC at POLICE;
15. Clearance mula sa dating employer na nagsasaad na walang accountabilities at administrative cases;
16. Affidavit ng pagiging walang relasyon hanggang 4th civil degree of consanguinity o affinity sa mga incumbent Board of Directors, General Manager, Acting General Manager, Project Supervisor, Department Managers o kahalintulad o mas mataas na posisyon;
17. Latest drug test result (original);
18. Latest medical certificate mula sa isang government doctor;
19. Permit to run mula sa Department Secretary o Regional Director o Elective Local Official o sa duly authorized representative para sa mga kawani ng gobyerno.
Ang cut-off date ng pagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) kasama ang mga nabanggit na requirements ay sa October 14, 2025. Samantala, ang mga qualified voters naman ay ang mga kasapi na ang membership ay naaprubahan ng Board of Directors hanggang sa July 26, 2025.
Tiyakin na ang inyong pangalan ay nakatala sa Masterlist of Members ng CANORECO na ipapaskil sa mga barangay ng nabanggit na distrito. Para sa mga hindi sinasadyang nawala ang pangalan sa talaan ng mga kasapi, ang inclusion at exclusion period ay mula October 7, 2025 hanggang October 15, 2025.
Sa panahon ng inclusion/exclusion (verification) period, magsadya sa tanggapan ng CANORECO Main Office (Talisay) kung may dapat isaayos sa membership record. Mangyaring magdala ng alinman sa mga sumusunod upang maisama o maisaayos ang kanilang pangalan sa masterlist of voters:
1. CANORECO I.D.;
2. Official Receipt ng pinagbayarang Membership Fee; o
3. Duplicate copy ng Kasunduan-Kahilingan na nilagdaan sa pag-apply ng Membership sa CANORECO.
Ang “proxy voting” ay hindi pinahihintulutan sa mga eleksyong gaganapin. Ang mga nakarehistro lamang sa masterlist of voters at may dalang valid government-issued ID card ang maaaring makaboto.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph
May be an image of text that says 'CAMARINES NORTE ELECTRIC COOPERATIVE, INC. J.P. Rizal Street, Brgy. 1, Daet, Camarines Norte, Phillippines CANORECO Hotline: +63 908 186 5100 +63 919 095 0952707 2707 Email Address: canoreco_197505@yahoo.com canoreco_ 197505@yahoo.com TUVNORD ADVISORY OF DISTRICT ELECTION Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay magkakaroon ng District Election para sa pagka pagka-Direktor. DISTRITO DATE OF ELECTION DISTRICT VII-PARACALE 25, 2025 CT OFF DATE OF FILING OF COC 14, 2025 Magsadya sa CANORECO Main Office, Itomang, Talisay para sa Certificate of Candidacy at list of requirements.'