Maaari nang magbayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente ang mga Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO sa CANORECO Drive Thru sa CANORECO Talisay Main Office mula August 18, 2021 (Miyerkules) mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado.
Ito ay isa sa mga inisyatibo ng pamunuan ng CANORECO upang matulungan ang mga MCOs nito sa pagbabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente mula sa kaligtasan at kaginhawaan ng kanilang mga sasakyan, mapa-kotse, traysikel o motorsiklo. Pwede rin magbayad sa Drive Thru ang nakapadyak o kaya naman ay naka-bisikleta.
Makatutulong din ang programang ito ngayong panahon ng pandemya kung saan iniiwasang mag-ipon-ipon sa loob ng isang kwarto ang mga tao upang maiwasan ang banta ng pagkakahawahan ng sakit na Covid-19.
At dahil hanggang 7:00 ng gabi bukas ang Drive Thru, makatutulong din ito sa mga MCOs na pagkatapos lamang ng kanilang oras sa trabaho maaaring makasaglit sa CANORECO upang makabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente.
Mananatili pa rin namang bukas ang regular na tellering booth sa loob ng CANORECO Talisay Main Office mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Parati lamang dalhin ang billing statement o statement of account sa pagbabayad ng mga bayarin sa kuryente.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Office Website, www.canoreco.com.ph.


