Maraming maraming salamat po sa mga Member Consumer Owners (MCOs) ng ating kooperatiba na tumatangkilik sa bagong bukas na CANORECO Drive Thru Payment.
Sa mga MCOs po natin na hindi pa nakakabisita, inaanyayahan po namin kayong mag-drive at magbayad ng inyong bayarin sa kuryente dito sa CANORECO Drive Thru Payment sa CANORECO Talisay Main Office, Hotel Mega Star, Brgy. Itomang, Talisay.
Hanggang tatlong (3) resibo po kada sasakyan ang maaaring bayaran dito mula Lunes hanggang Sabado at mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Dalhin lamang po ang billing statement o statement of account sa inyong pagbayad.
#CANORECODriveThruPayment
#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement



