CANORECO Balita

CANORECO Face-to-Face One Stop Shop, Magsisimula Na

Matapos ang halos dalawang taong paseminar sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings app, magbabalik na sa face-to-face ang CANORECO Pre Membership Seminar. Ngunit maliban sa seminar sa pag-apply sa New Connection, magtatanggap na rin ng application sa change name at senior citizen discount.

 

Ang mga nagnanais nang makapagpa-Change Name o mailipat ang pangalan ng kuntador sa kanilang pangalan mula sa pangalan ng iba ay maaari nang mag-apply sa nasabing seminar. Kaya inaanyayahan ng kooperatiba ang mga kailangan nang magpa-change name na dumalo upang masimulan na ang proseso. Kapag nakalipat na sa aktwal na konsumidor ang pangalan ng kuntador na kanyang ginagamit, maaari na siyang makaboto sa mga isinasagawang District Elections, makadalo sa Annual General Membership Assemblies at makasali sa iba pang aktibidad para sa mga Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO.

 

Maaari na ring mag-apply sa 5% Senior Citizen Discount ang mga Senior Citizen MCOs ng kooperatiba kung mahigit isang taon nang nakapangalan sa kanila ang ginagamit nilang kuntador at kung kumukonsumo sila nang hindi lalagpas sa 100kWh kada buwan.

 

Magtatalakay din ang mga nakatalagang kawani ng kooperatiba ng mga paksang importanteng malaman ng mga konsumidores ng kuryente gaya ng kahalagahan ng due dates, mga pamamaraan ng pagbabayad ng bill, pagbabago-bago ng power rates, components ng bayarin sa kuryente, mga sanhi ng power interruptions, contact information, at iba pa.

 

Narito ang schedule ng bagong CANORECO Pre Membership Seminar. Maaaring pumunta sa mga sumusunod na lugar at petsa ang mga nagnanais mag-apply ng kuryente, change name at senior citizen discount sa CANORECO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph