Daet, Camarines Norte β Bilang pagtugon sa epekto ng Bagyong βKristineβ na nagdulot ng matinding pagbaha noong Oktubre 22 hanggang 23, nagsagawa ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ng relief operations para sa mga apektadong Member-Consumer-Owner (MCO) sa mga barangay ng Fundado (Labo), Napilihan at Cagbalogo (Vinzons). Ang mga barangay na ito ay kabilang sa mga matinding nasalanta ng bagyo, kung saan marami ang nawalan ng kabuhayan at ari-arian dahil sa matinding pagbaha.
Pinangunahan ni Institutional Services Department Manager, Mary Ann A. Moreno, ang mga nasabing relief operation nitong October 30, 2024 (Miyerkules). Sa kabila ng maaaring hamon upang makarating sa mga apektadong lugar, determinadong pumunta ang CANORECO Team upang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Ang pondo para sa mga relief goods ay nagmula sa boluntaryong ambag ng mga empleyado ng CANORECO. Nagkaisa ang mga kawani na magbahagi ng salapi upang makabuo ng sapat na pondo para sa pangangailangan ng mga apektadong MCO. Sa kanilang malasakit, naipakita ng mga kawani ng Kooperatiba ang kanilang malasakit, hindi lamang sa serbisyong pang-kuryente, kundi bilang kasangga rin ng mga MCOs sa oras ng pangangailangan.
Kabilang sa mga ipinamigay na relief goods ay mga bigas, de-latang pagkain, instant noodle, at iba pang pangunahing pangangailangan na maaaring makatulong sa mga pamilyang apektado upang makaraos kahit papaano habang hindi pa tuluyang bumabalik sa normal ang kanilang komunidad. Ang mga ito ay maingat na inihanda ng mga kawani ng CANORECO sa pangunguna naman ng Human Resource & Administration Division.
Sa kanilang pamamahagi, siniguro ng CANORECO Team na maabot ang bawat pamilya na matindi ang pangangailangan sa mga nabanggit na barangay. Ang mga residente ng Brgy. Fundado, Napilihan at Cagbalogo ay malugod na tinanggap ang mga relief goods at nagpasalamat sa tulong na hatid ng Kooperatiba.
Ang relief operations na ito ay isang patunay ng pakikiisa ng CANORECO sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga MCO. Patuloy ang Kooperatiba sa adhikain nito na maglingkod at tumugon sa bawat hamon ng panahon para sa ikabubuti ng mga komunidad sa lalawigan ng Camarines Norte.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


