CANORECO Balita

HAPPY 47TH FOUNDING ANNIVERSARY, CANORECO!

Apat napu’t pitong taon na ang nakararaan mula ng tanggapin ng National Electrification Administration (NEA) noong October 23, 1975 ang pagpaparehistro ng bagong tatag na electric cooperative (EC) sa Camarines Norte – ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO).
Nagsimula ang programang elektripikasyon sa lalawigan ng Camarines Norte noong isinabatas ang Republic Act (RA) No. 6038 noong 1969 na pinalitan ng Presidential Decree (PD) No. 269 noong 1973. Ang mga batas na ito ang bumuo sa NEA at sa mga Electric Cooperative (EC) sa buong Pilipinas na may mandatong pailawan ang buong bansa mula sa mga siyudad hanggang sa kasuluk-sulukang mga sitio upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Nagsimula ang CANORECO noon sa 5,782 Consumer. Ngayon, may 124,706 Member Consumer Owners (MCOs) na ang kooperatiba na may 135,966 consumer connections.
Sa pagdiriwang ng ika-apat napu’t pitong anibersaryo ng pagkatatag ng CANORECO, may mga aktibidad na isasagawa ngayong buwan ng Oktubre.
Sisimulan ang pagdiriwang ng CANORECO Institutional Services Department (ISD) sa pamamagitan ng Board Games at Electronic (E) Games Tournament sa pagitan ng mga interesadong empleyado ng kooperatiba sa October 10-14, 2022.
Susundan ito ng Adopt-A-Daycare Program with Supplemental Feeding Program and Back-To-School Kits na isasagawa ng CANORECO Human Resource & Administrative Division (HRAD) sa Resettlement Elementary School, Brgy. Matacong, San Lorenzo Ruiz sa October 19, 2022.
Magpapatuloy ang Blood Letting Activity ng CANORECO Occupational Safety & Health Committee (OSHC) kaagapay ang Philippine Red Cross – Daet Chapter na isasagawa sa CANORECO Daet Area 1 Office sa October 20, 2022.
Magsasagawa naman ng Mangrove Planting Activity ang CANORECO General Services Division (GSD) sa Bagasbas Beach, Brgy. Bagasbas, Daet sa October 21, 2022.
Magkakaroon din ng Clean-Up Drive Activity ang CANORECO Corporate Services Department (CSD) sa Baybay Beach, Brgy. 3, Mercedes sa October 22, 2022.
Magpapa-misa rin o Holy Mass sa bawat bayan ng Camarines Norte ang CANORECO Technical Services Department (TSD) sa October 23, 2022.
At maghahanda naman ng Anniversary Program ang CANORECO Finance Services Department (FSD) kung saan pararangalan ang napiling makakatanggap ng Employee of the Year Award ng CANORECO Personnel Section sa CANORECO Talisay Main Office sa October 24, 2022.
Magtatapos ang pagdiriwang sa Anniversary Raffle Draw para sa Member Consumer Owners (MCOs) na isasagawa ng CANORECO Member Services Division (MSD), Finance Services Department (FSD) at Internal Audit Department (IAD) sa CANORECO Talisay Main Office sa October 31, 2022.
Ang mga MCO na walang moroso at makakapagbayad ng hanggang September 2022 electric bill ay maaaring manalo.
Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga opisyal at empleyado na siyang nagpapatakbo sa kooperatiba, at sa mga MCO na sya namang nagmamay-ari sa kooperatiba. Nawa’y maging mas maayos ang kooperatiba, at ang mga kawani at MCO nito sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph