CANORECO Balita

CANORECO Talobatib Substation, Inuprate Para sa Bayan ng Labo

Maaalalang nasunog ang 5MVA substation ng Talobatib noong June 19, 2020 kung saan naapektuhan ang suplay ng kuryente sa buong bayan ng Labo. Upang mabigyang-ddan na mapailawan ang apektadong lugar, pansamantalang ikinabit muna ang linya sa Calintaan Substation para sa mga Poblacion barangay ng Labo at sa Malatap Substation para naman sa mga Southroad barangay ng Labo.

Nitong November 13, 2020, na-energize na ang bagong 10MVA Talobatib Substation na dating 5MVA na magsusuplay ng kuryente sa bayan ng Labo. Pinangunahan ang energization ceremony nina General Manager Zandro Gestiada, Technical Services Manager Engr. Alexis Olila, Substations Chief Engr. Redentor Molina, at iba pang empleyado ng CANORECO at ng NGCP.

Inaasahan na mas malaki ang kapasidad ng nasabing substation at nakaabang na para sa mga madadagdag na konsumidores ng kooperatiba sa bayan ng Labo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) sa mga numerong 09081865100, 09190952707 at 054-5713796.