CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE TUMAAS NGAYONG HUNYO 2018

Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Hunyo 2018 billing na babayaran sa Hulyo 2018. Ang sanhi ng pagtaas ay dahilan sa pagtaas ng Generation Charge at Feed –in Tariff Allowance o Fit All Charge. Ang Fit All Charge ay nagkaroon ng 7 centavos/ kwh na pagtaas at ipinapataw sa lahat ng consumers ayon sa itinakda ng Renewable Energy Act of 2008, ito naman ay ibinabayad din ng CANORECO sa National Transmission Corporation o Transco.

Naging dahilan din ang pagpapatupad ng Energy Regulatory Commission o ERC ng karagdagang Universal Charge – Stranded Contract Cost (UC-SCC) base sa ERC Case No. 2011-091RC dated May 22, 2018. Base sa nasabing order ng ERC, inaatasan ang mga Distribution Utilities na magkolekta ng karagdagang 19 centavos/kwh hanggang anim na buwan o hanggang makolekta ang Php 8.5 Million para sa Stranded Contract Cost ng National Power Corporation o NPC na ibinabayad din naman ng CANORECO sa Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Hunyo ay umabot ng P 9.9478 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng MayoHunyo na umabot ng P 9.7939 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 15 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.9937 per kwh para sa buwan ng Hunyo  kumpara sa P 8.8404 per kwh noong buwan ng Mayo o tumaas ng 15 centavos per kwh din.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.